We had a conversation about what's happening to us here, at nasagot naman namin iyon ni Conrad nang walang paligoy-ligoy. Hindi palatanong si Papa, saksakan lang siya ng pagiging palabiro kaya halos minuminuto ang tawa namin nina Mama at Tita-Nang kapag nagsasalita siya.

Ang plano kong isang oras lang ay nauwi sa tatlong oras. Naisip ko kasing susulitin ko na ang oras na kasama ko sina Mama at Papa. Hindi ko na namalayan na alas-dos na ng madaling araw nang matapos kami, at nang makita naming umiidlip na sina Papa at Tito Luke sa upuan nila, doon na rin namin naisipang tapusin ang inuman na sinimulan nila.

Now, I am walking in the hallway with Conrad. Dahil dis-oras na ng gabi, puro tunog na lang ng mga sasakyan mula sa highway ang naririnig namin. Nasa likuran ko siya habang naglalakad, at parang nakahinga ako nang mas maayos nang marating na namin ang pintuan ng unit.

"I'm already sleepy, Nate. Matulog na tayo?"

Napalingon ako sa kanya habang inilalagay ang tsinelas ko sa shoe rack. Nakangiti siya sa akin na ang parehong mata'y pumipikit, halatang antok na.

"Marami kang nainom?"

He nodded while walking past me. "Oo. Halos isang bote rin. Binantayan kita kanina pero goods naman, hindi ka masyadong uminom."

"Alfonso, eh. Mabilis ako malasing do'n," sagot ko.

I had already brushed my teeth sa baba, pero siya ay dumiretso sa lababo dala ang toothbrush niya. Gumawi ako sa nakabukas na kwarto, pero agad akong kinabahan nang matapat ang tingin ko sa kama.

Umiling ako at mabilis na humakbang palabas ng kwarto. Tahimik akong umupo sa sofa dahil ayaw ko na sa mga naiisip ko habang nakatingin sa loob.

I can't sleep right beside him! Hindi ko kaya! Para akong pinaparusahan kapag iniisip kong katabi ko siya.

Hindi ko na pinansin ang paglakad niya papalapit sa pintuan ng kwarto. Siguro nagtataka siya kung bakit ako lumabas ulit, pero dahil inaantok na rin siya, hindi niya na rin ako pinansin.

Habang nag-scroll ako sa socials, na pakiramdam ko ay ang matagal ko na ring hindi binubuksan, lalo na ang Facebook ay napakunot ang noo ko nang biglang lumitaw sa screen ang numero ng lalaki sa loob.

Umusog ako papunta sa gilid ng inuupuan ko at sinilip siya sa pintuan.

"Bakit tumatawag ka?" I asked, half-shocked.

Nasa labas lang ako, bakit kailangan pang tumawag? Sa dahilang bukas pa ang ilaw sa loob, kita ko ang mabilis na pagngisi niya sa naiirita kong mukha.

"Hindi ka pa papasok?"

Kumunot ang noo ko. "Tumawag ka dahil 'yan lang itatanong mo? Ibang klase ka rin. Hindi pa. Mauna ka na matulog."

"Hindi ka tatabi sa akin, 'no?"

"Paano mo nalaman?"

"Wala ka pa kasi rito sa tabi ko. I know you're sleepy, Nate. Huwag mo na pigilan, halika na. Para maayos ang tulong mo ngayong gabi," aniya.

He was leaning his back sa black cushion sa likod ng kama. Napakurap ako nang makita ang malaking comforter na bumalot sa kalahati ng katawan niya. But what bothered me the most were his flawless arms, parang inaaya akong sandalan iyon.

Putangina naman. Naka-t-shirt siya pero bakit kitang-kita ang braso niya?!

"Mukhang komportable na ako rito sa sofa kahit maliit. Kuha na lang ako ng unan diyan sa loob mamaya," ngiti ko, pilit na kalmado.

Nakita ko ang panliliit ng mata niya habang nakatinginn sa akin at inilapag niya ang phone sa side table.

"Sige, ikaw bahala. Off mo na lang 'yung ilaw pagkapasok mo," tumango siya.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora