EPISODE 19
Sa tagal naming magkaibigan ni Zahra, ni minsan hindi ko inisip na meron din pala siyang sense kapag seryosong usapan. Siya kasi ang pinaka-baliw sa aming tatlo, kaya palagi rin naming hindi sineseryoso ni Dash ang mga sinasabi niya.
And thinking back on what she said, I can't even argue with it. Talagang nilalamon lang ako ng iniisip ko, but I know better now. I won't let that happen again. Nasaktan na ang puso ko noon pa lang at mas tanga na ako kung hahayaan ko pang mahulog ulit sa kanya.
But as of now, time is ticking, and with every second, dumadami ang dahilan kung bakit dapat ko siyang patawarin. Pero siguro, hayaan ko muna ang puso kong magdesisyon kung kailan ito handa.
Matapos maligo ng dalawa ay nauna na silang nakatulog sa akin. Si Dash na mismo ang nag-ayos ng higaan niya sa sahig habang ako naman ay inasikaso sina Lily at Lime, bago inipon ang mga lalabhan ko kinabukasan.
Honestly, this was one of the best days of my life. Nakakapagod dahil tatlong lugar ang pinuntahan namin, but being with them made it all worth it. Hindi ko na nga halos inisip ang pagod. I just let myself enjoy the moment, smiling naturally, knowing I was with the two most important people.
Sa ilang oras naming nilaan sa chismisan, puro tawa at panghuhusga lang ang lumabas sa bibig namin na para bang kami ang pinaka-perpektong nilalang sa mundo.
I wish our time could extend more, pero alam kong sa mga susunod na araw, babalik na ulit sila sa kani-kanilang buhay. But I'll find a way para maulit ang ganitong eksena.
"Dalawang maleta ang dadalhin mo?" tanong ni Mama, sabay tingin sa luggage na binili ko sa SM.
Mahina akong tumawa. "Ma, posible kasing tumagal kami doon na sana hindi naman pero sabi sa akin ni Tita-Nang, hangga't hindi pa siya natatapos ay walang pwedeng umuwi sa amin ng anak niya."
"Ni Conrad."
I sighed, shifting my eyes to the luggage. "Opo."
"Hirap na hirap ka naman banggitin ang pangalan niya." Nakatagilid ang tingin niya sa akin. "Paalala ko lang, Nathaniel, ha. Nag-usap na tayo tungkol diyan, kaya sana walang makarating sa akin na hindi magandang balita tungkol sa inyo. Kinausap ko rin siya nung isang araw, at magsusumbong siya sa akin kapag minalditahan mo siya."
Napangiwi ako at gusto ko sanang matawa, pero pinigilan ko na lang habang sinimulan niyang tanggalin ang plastic cover ng maleta ko.
"Ma, OA mo na," mahinhin kong sagot bago umupo sa tabi niya. Inilapag ko sa mini table ang mga damit na ipapasok sa maleta. "Minsan lang naman ako mainis sa kanya, kapag hindi ko na kinakaya 'yung kakulitan niya. 'Yung Conrad na kilala niyo noon, gano'n pa rin siya sa akin. At isa pa, trabaho po ang pinunta ko ro'n. I need to be professional. At kung mag-aaway man kami, malamang siya ang may kasalanan."
Dumiretso ang tingin niya sa akin, sabay taas ng kilay at sa talas ng hulma nito ay parang gusto na niya akong saksakin.
"Ayan. Paano kung ikaw naman talaga ang may kasalanan?" umiiling niyang sabi. "Jusko, Nathaniel. Wala pa, naiinis na ako sa 'yo."
Muntik na akong matawa ulit.
"Joke lang, Ma. Hindi po ako gano'n. Basta, pinapangako ko na hindi kami magsasagutan o mag-aaway because I'm doing this not for him. Para sa Cucina."
Napansin ko ang pasimpleng ngiti niya mula sa narinig sa akin habang sinisimulan niyang ilagay ang mga naitupi kong pambahay na damit sa unang maleta.
I have a week to list and prepare on what I'm bringing with me. Siyempre, dumaan din ako sa proseso ng pagpili kung ano ang dadalhin at iiwan na lang dito, dahil hindi naman ako titira doon.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
