EPISODE 26

92 7 3
                                        

EPISODE 26



"Sir Nate, pinapaabot po ni Sir Conrad. Kumain na raw po kayo."

Napaangat ang ulo ko habang nasa gitna ako ng paglilista ng mga equipment at tools na pumapasok sa utak ko.

Huminga ako ng maayos bago ilapag ni Kuya Minel ang isang lunch box na galing sa Kenny Rogers.

"Ah, sige pasabi na lang pong salamat," ngumingiting sabi ko.

Inilapit ko ang pagkain matapos kong igilid ang folder at notebook kung saan ako sumusulat.

"Magsabi lang daw po kayo Sir kung gusto niyo ng dessert, bibili daw po agad siya," ngiting dagdag ni Kuya, nautusan pa talaga siyang sabihin 'yan sa akin.

I made a small smile before shaking my head. "Hindi na siguro. Mag-lunch na rin po kayo, salamat ulit."

Kanina pa ako nandito sa sulok ng first floor matapos iutos sa akin ni Conrad na simulan ko na ilista ang mga mahahalagang gamit. I also volunteered to start to list the things that needed inside the kitchen dahil para organized. Pagkatapos ay maari kong isunod ang loob ng storage room at sa pantry, 'yung mga paglalagyan ng mga pagkain.

Alam niya kasing mas may alam ako kumpara sa kanya pagdating sa loob ng kusina dahil halos kabisado ko na ang bawat parte nito. Meron na siyang nabiling mga machineries at mga gamit na sobrang kailangan ng isang restaurant, kaya parang napadali ng kaunti ang trabaho ko.

Palihim akong lumingon kung saan kumakain lahat ng trabahador dahil doon din siya lagi kumakain kasama nila. But I went back on my lunch because I didn't see him there at si Sir Richard lang ang nakita kong nakikipagtawanan.

It's been two days since we had our clear conversation about why he kissed me. Sa dalawang araw na nakalipas ay tila binibigyan na nito ng linaw ang utak ko na ang dating gusto ko, ay ako naman ang ginugusto ngayon.

I have so many emotions that lurking in me. Overwhelmed. Confused. Stressed. Marami pa! Siguro sa dami ay hindi ko na sila maisa-isa. Gabi-gabi kong kinukurot ang matataba kong pisngi para gisingin ako kung totoo ba ang mga nangyayari sa akin.

Lalo na kapag umagang naaabutan ko siyang nauuna sa kusina dahil nagigising na lang akong nakahanda na ang almusal naming dalawa. Uupo na lang talaga ako para kumain dahil ultimo plato't kutsara ay nakalapag na sa harap ng bakanteng upuan for me to sit.

But I am in disbelief because he never asked me those things kung bakit limitado lang ang mga salitang inilalabas ko sa kanya. Nagtataka ako minsan dahil hindi niya ino-open ang tungkol sa nararamdaman niya sa akin at gusto kong isipin na hindi naman talaga iyon totoo pero sa mga paramdam niya sa akin ay imposible.

Katulad nito.

I usually go to the table to grab my lunch na lagi niyang ino-order pero ngayon ay baka hindi niya na mahintay na kumain ako kaya pinadala niya.

Kahit sa unit, umaapaw sa akin ang mga iniisip kong sana tumigil na siya sa mga pasaring niya.

"Hi. Matutulog ka na?" pinupunasan niya ang basa niyang ulo gamit ang twalyang puti. He just came off from the shower.

Umiling ako. "Hindi pa siguro. Hindi pa ako dinadapuan ng antok," mahinang sagot ko.

He nodded slowly afterwards at hindi naman kaagad ako nagkamali na mahahagip ng ilong ko ang pabango niyang laging kumakalabit sa akin. He has a flowery and manly scent na hindi maiwasan hanapin ng ilong ko minsan.

"Let's watch some movies. May mga bagong released ngayon sa Netflix, pili ka kung anong gusto mo panuorin."

Lumingon ako sa kanya bago lumipat sa t.v. na kakabukas niya lang. We had a long day, wala rin naman akong gagawin kaya posibleng magandang pampatay ng oras ang panonood ng movie.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora