EPISODE 03
The morning felt different.
The moment I opened my eyes, the weight of yesterday's worries still lingered in my mind and that was the first thing I noticed. Para bang may mabigat na dumagdagan sa dibdib ko. Marahil dahil sa mga iniisip ko simula kagabi at hanggang sa sumilay na ang araw ay nananatili pa rin ito sa loob ng ulo ko.
I did my morning usual morning routine. Bago ko asikasuhin ang sarili ko ay sina Lily at Lime muna ang inuuna ko. They need to be fed every morning lalo na malakas sa organic cat food ang dalawa. I stretched my arms lightly, and as the sunlight poured through the window and warmed my face, a smile formed on my lips.
Morning really hits different. Hindi ko kailan man ihahalintulad ang umaga sa gabi dahil para sa akin ay mas maganda tingnan ang araw na kumakaway sa 'yo paitaas kasama ang mapuputing ulap. Senyales na panibagong araw ang mararamdaman mo.
Tama. Gawin ko na lang na inspirasyon ang umaga upang magpatuloy ngayong araw.
7 a.m. ang time in ko sa Cucina every Monday to Saturday. Twing araw ng linggo naman ang day-off ko at parehas kami ni Chef Oli. Bago naman ako maging Sous Chef ay meron na akong motor na regalo sa akin nina Mama. Para makaiwas ako ng traffic dahil bago dapat mag-alas siyete ay naroon na ako.
"Good morning, Chef!" bati agad sa 'kin ni Kuya Gil na hindi pa suot ang uniporme niya bilang isang gwardiya.
"Sino na po ang mga nasa loob, Kuya? Marami naman pong customer kagabi? Hindi na ako dumaan kasi sobrang sakit na ng mata ko." I laughed at my reason.
"Kararating ko lang din Chef, pero nakita ko na sina Emma sa loob. Base lang po sa 'kin, marami naman, Chef, gawa ng biyernes din po. Posibleng ngayong sabado ay dadagsain na naman itong restaurant natin."
"Dumating na rin pala si Theo galing Germany?" He nodded when I asked about one of our station chefs. "Akala ko hindi na siya babalik," mahinang bulong ko at buti naman hindi niya narinig.
"Hinahanap nga po kayo Chef, eh. Hindi ko lang alam kung bakit."
Hindi ako tumugon sa halip ay ngumiti na lamang ako dahil hindi na siya pwedeng dumagdag sa iisipin ko. Meron akong kaunting ideya na lumilikha sa isipan ko kung bakit hinahanap niya ako.
Huminga ako ng malalim ng napagdesisyonan kong pumasok na mula sa likurang pintuan ng storage room. Our kitchen has a huge space which all of us can fit together during our work hours. Cucina has a lot of chefs. Sa sobrang dami namin ay sa tuwing present lahat ay hindi ko na matandaan ang pangalan nila.
We have a big family tree here, if you would call that.
May nakita na akong limang chef na nag-uusap habang hinahanda ang sarili nila. Hindi naman nila ako nakalimutan batiin sa dahilang mas mataas ang posisyon ko. I mean, dapat pala masanay na ako.
I've been the Sous Chef of Cucina Eterna for 3 weeks. Right. Kaka-promote lang sa akin, siyempre sa loob ng trabaho ay merong proud sa pag-angat mo at sa dahilang may mga taong hindi pantay ang utak ay hindi nila ito matanggap.
"Ang productive mo lagi kapag pumapasok ka. Hindi ba maayos tulog mo kanina gabing kaya nakabusangot ka ngayon?" baling na tanong sa akin ni Chef Riley.
I looked at his boyfriend, Terrence who's waiting for my response. Maliit akong tumawa.
"Bakit? Hindi ba pwedeng hinahanda ko pa lang social battery ko para sainyo?"
"Bago na raw owner nito?" Terrence joined our conversation. Tanong niya tungkol rito sa resto.
I looked at him the same as his girlfriend. Chismoso rin 'to kaya wala namang nakakagulat kung itatanong nila ang tungkol sa pasabog na announcement kahapon sa event.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
