EPISODE 16
"Parang mag-ex lang kayo kanina dahil sa sigawan niyo, Nate. Sigurado ka bang hindi naging kayo before mo maging boyfriend si Randy?"
Napangiwi ako habang diretso ang tingin kay Dash. Saktong ininom ko ang malamig na tubig na kinuha ko sa chiller, dahil kung hindi, baka nasabuyan ko na siya. Bigla ko na lang naramdaman na kailangan ko ng tubig.
"Seryoso nga talaga, bitch! Ang intense niyong dalawa kanina!" sabat naman ni Zahra, sinabayan niya pa ng irap na parang nang-aasar..
I rolled my eyes. "Mga chismosa! Sabi ko nang mauna na kayo sa Eruption, eh!"
"Eh, halos hatinggabi na kasi. Wala nang dumadaang sasakyan, kaya 'yung boses niyo, parang maririnig pa ng buong barangay," Dash teased, throwing a glance at Lily, na parang artista na naglalakad dahil nakita silang dalawa ni Zahra.
"Gano'n mga type namin ni Zahra, 'di ba, Zah?"
Zahra chuckled, biting her lower lip. "Kay Nate na 'yon. Aagawan pa ba natin siya?"
Umiling ang ulo ko habang pilit na tumatawa. Wala akong imik na naglakad pabalik sa kwarto, dala ang kutson na tutulugan ni Dash, mas maiging abalahin ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos. Ako at si Zahra ang magkatabi sa kama. Kasya naman kami dahil maliit lang siya, 'di tulad ko.
Pero kahit anong pilit kong ibaling ang atensyon sa ginagawa ay parang naiwan pa rin ako sa labas, sa nangyari kanina. Sa sigawan. Sa tinginan namin ni Conrad.
"Paghatian niyo na siya, mga diva," I blurted out habang kinakalma ang utak ko. "He's out of my league. The old me won't be happy kung gugustuhin ko ulit 'yung hayop na 'yon. I mean, kakatapos ko lang ikwento sa inyo 'yung ginawa niya sa akin, 'di ba?"
Naunang pumasok si Zahra sa kwarto ko at sumunod si Dash na may dalang ngisi sa labi niya na alam kong may iniisip na kakaiba. Huminga ako nang malalim. Kilala ko 'yan. Hindi magandang sign 'pag ganyan 'yung itsura niya.
"Bawal magbago?" rinig kong tanong niya habang nagsasara ako ng kurtina.
Napakunot ang noo ko. "Sino?"
"Siya," sabay turo niya sa hangin na parang si Conrad ang tinutukoy niya. "Malay mo, sinuntok niya 'yung lalaki kanina kasi... ayaw niyang masaktan ka ulit. Alam mo 'yun? Parang pambawi sa ginawa niya noon."
Napatigil ako. Damn it, Dash.
Napatitig ako sa kanya at sa sahig, then kay Zahra na parang sumasang-ayon pa sa sinabi ni Dash. She pouted her lips while looking at me dahilan para mapahinga ako ng maayos.
"Baka lang naman. Hindi ka naman sigurado diyan, Dash," singit niya, pero halata ko namang may halong kilig ang boses ng bruha.
"Pero malay mo naman, Nate. Baka gusto niyang bumawi sa 'yo," she added, softer this time.
Napailing ako, pero ramdam kong nanginginig na ang dibdib ko.
"Girls... hindi porket pogi at bet na bet niyo siya, kulang na lang sambahin niyo na. Hindi pa ba sapat 'yung kwento ko? Binugbog niya ako. Pinandirian niya ako. Ano ba?"
Natahmik ang dalawa sa huling sinabi ko.
"Bago ka niya bugbugin at pandirian... bago nangyari lahat ng 'yon. Anong klaseng tao siya?" Dash chimed in with his serious voice.
That question. I didn't expect it.
Napahigpit ang hawak ko sa bed sheet na ngayon ay isinasampay ko sa kutson niya. Muntik na akong mapamura sa tanong ni Dash, pero huminga ako nang malalim. I know what the answer is, pero hindi ko alam kung masaagot ko ba iyon ng hindi inaalala ang lalaki.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
