EPISODE 21
That was our first night, and honestly, I didn't expect it to go downhill so fast. I thought it would be simple or even. Pero hindi. I really wanted to kiss the moon just to disappear and vanish into thin air inside the room.
Gusto ko na lang biglang mawala, lalo na't kapag naaalala kong nakita niya akong sumisilip sa pintuan niya.
Maybe it was the most embarrassing thing that happened to me lately. I just knew na hindi 'to matatapos doon at sigurado akong gagamitin niya iyon na pang-aasar sa akin.
Nang pumatak ang umaga ay halos hindi ko kayang magpakita sa kanya pero naisip ko kung iiwas ako ay para akong apektado sa ginawa ko, which is totoo naman! But still, I forced myself to act like it was nothing. I needed to.
Kahit na tuwing makikita ko siya, paulit-ulit sa utak ko 'yung eksenang 'yon.
That day, I also met Mr. Richard at the sit. Medyo nagulat ako kasi kilala niya pala ako, kahit hindi pa kami personally nagkakilala noon. He carried himself with confidence, yung tipo ng tao na alam mong may alam. He was articulate, and I instantly understood why Tita-Nang trusted him so much.
Hindi ko siya nakikita noong ayusin ang taas ng Cucina dahil sa nasira ito ng bagyo. Maybe my Tita-Nang introduced me to him while planning the project.
At dahil dito sa project namin ay first time ko rin makapunta ng BGC. And finally, I already saw the new place of Cucina Eterna. I was impressed by the place when I saw it at nabanggit sa aming dalawa ng kasama ko na dati rin itong restaurant but the owner, who's the friend of Tita-Nang ay nagkaroon daw ng problema sa dating renter.
Hindi na namin inalam kung ano pa iyon dahil kahit si Sir Richard ay wala ring ideya sa kung anong problema ang nangyari.
The place had two floors, with the upper level offering a gorgeous view of the city. But what caught my attention was the kitchen. Maluwag. Maaliwalas. Maayos ang layout. My excitement spiked right then and there. Pero kahit gano'n, I knew I'd always have a soft spot for the original Cucina.
We started reviewing the plans. Pri-nesent sa amin ng lalaki ang scketch ng architect na kinuha niya para planuhin ito ng mas maigi. Sinimulan niya na pala niya ang floor planning last week habang wala pa kami dahil 'yung architect na kakilala niya ay magiging busy na for this coming days.
"Siguro bukas, the two of you take some time to rest. Si Emil na lang bahala dito sa mga workers natin. You don't have to worry anything, we can trust them," nakangiting ani Sir Richard habang nakatingin sa papel sa kamay niya.
"You sure, Rich?" biglang tanong ni Conrad na ikinatawa ng lalaki.
Nakita ko kung paano tumango na sigurado ito dahilan para maliit na tumawa ang lalaki. I turned my eyes to the workers, busy sa kani-kanilang tasks at patuloy na sinusunod ang layout.
"May aasikasuhin lang akong conference bukas sa Quezon City pero dadaan ako dito kapag napaaga ang tapos. Pero kayong dalawa, magpahinga muna kayo."
"Salamat, Sir. Sabihan ko na lang po mamaya si Emil bago kami umuwi ni Conrad na kapag may kailangan ay i-message na lang ako or si Conrad," saad ko.
Nakangiting tumango naman ang lalaki sa sinabi ko.
Emil was the architect of the renovation at same age lang kami nina Conrad kaya kung ituring niya kaming dalawa ay parang magkaibigan lang. Si Sir Richard ay ahead sa amin ng three years but Conrad was still the boss here kaya lahat tiklop sa kanya.
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko matapos kong ilagay ang seatbelt sa akin.
"Hindi ka ba nagugutom? Kaunti lang kinain mo kanina nung nagpa-deliver ako ng pagkain," sagot niya, habang huminto ng sandali para i-check ang phone niya.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
