EPISODE 22
"Grabe, Nate, nung huli kitang makita ay maliit ka pa, ah? Kumusta ka naman, anak?" sabik na tanong ni Tita Jade sa akin matapos naming magyakapan.
"Where is Aliyah?"
Hindi ko pa nasasagot ang tanong ng babae pero biglang sumingit si Conrad. I looked at him at gusto kong pigilan ang tawa ko dahil kakalagay niya lang ng isang kahon na pasalubong namin sa tabi ng sofa.
"Check mo nga pala sa kwarto, Con. Gisingin mo na rin kung tulog pa, masyado na kasing late. Matutuwa 'yon kapag nakita ka," natatawang saad ng babae.
Sumaludo naman ang lalaki sa kanya at bago ito tumalikod upang uamkyat ay nag-iwan siya sa akin ng ngiti. When Tita Jade's attention went now on me, nagpatuloy na ako magsalita.
"Maayos naman po ako, Tita. Nakakatuwa po kaso akala ko nga po hindi niyo ako kilala, eh. Since nung huli niyo pong tira doon sa probinsya natin ay sobrang bata ko pa po no'n."
She shook her head and gave me a laugh, "Uy hindi, ah! Naalala pa rin kita, dalawa lang naman kayo na magkapatid ng Kuya mo kaya paano kita makakalimutan? Ang Mama't Papa mo pala, kumusta sila?"
"Si Mama po, ayun masipag pa rin mag-ayos ng ngipin tapos si Papa naman namamasada pa rin. Hindi pa nga nagsasawa mag-drive, Tita kasi kahit si Mama sinasabihan na siya na ipagpahinga naman ang tricycle niya. Ang tagal na kaya no'n."
Pareho kaming tumawa sa sagot ko dahil alam kong nagulat siya na hanggang ngayon ay namamasada pa rin si Papa. She is wearing a typical housewife outfit na kakagising lang mula sa kama dahil umaga pa lang naman.
Nakapusod din ng maayos ang buhok ng babae dahilan para maging kaaya-aya itong masdan. I smiled when I saw a great resemblance on Chef Theo sa bandang ibabang parte ng kanyang mukha.
"Talagang yayaman kayo niyan, Nate. Pati pala ang Papa mo may trabaho," tumatawa niyang sabi at nakitawa rin ako, "pulis na ang Kuya mo at ikaw professional chef ka na rin ng Cucina. Nakaka-proud naman."
Mabilis akong tumango matapos igala ang aking mata sa loob ng bahay. This is an elegant and grandoise house from one of the subdivisions here in Taguig at nabanggit niyang dito rin pala tumira si Conrad noon.
At habang patuloy namin na pinag-uusapan sina Mama ay napalingon siya sa pamangkin na karga ang babaeng anak. Dahilan rin para mapangiti ako ng malapad dahil kakagising lang talaga ang mukha ng bata.
"Miss na miss ka niyan, Conrad. Ay naku! May muta pa ang bata! Akin nga muna 'yan, hihilamusan ko lang," natatawang saad ng babae at tumayo ito sa pagkakaupo upang agawin ang anak.
We both laugh together at napansin ko rin ang yaya siguro ng bata na tahimik na bumababa sa hagdan. Sumunod ito kay Tita Jade at namalayan ko na lang na nakaupo na si Conrad sa single na sofa sa tabi ko. I glanced at him to see if he was looking at me and I wasn't wrong.
"You looked sleepy. Maayos naman ba tulog mo? Inanatok ka kanina sa byahe natin papunta rito," seryosong sambit niya.
Bigla kong naalala ang pag-hikab ko kanina habang nagmamaneho siya. I nodded before answering.
"Oo naman. Pagkapasok ko sa kwarto kagabi, mayamaya umidlip na rin ako. Baka late lang ako nakatulog kaya inaantok pa ako ngayon. Tutuloy pa tayo sa San Juan, 'di ba?"
"Oo sana. Okay lang ba? Check natin doon 'yung mga furniture shop na nahanap mo," bahagya siyang ngumiti at tumango ako naman ako.
Dumating na rin si Tita Jade mula sa kusina at agad niyang pinakilala sa akin ang bunso niyang anak. Si Aliyah na sobang cute! I could pinch her cheeks for the whole day pero hindi ito lumalapit sa akin dahil nahihiya at habang nasa harap ko siya ay lumilitaw na naman ang baby fever ko.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
