EPISODE 13
"Ma! Ikaw po naglagay nito sa loob ng kwarto ko?"
Hindi ko pa nasasarhan ang pinto ng aking kwarto ay napalakas ang boses ko para tanungin si Mama. Kumunot ang noo kong tiningnan ulit ang frame habang naglalakad papunta sa kusina namin.
Naabutan ko naman siyang niluluto ang bananaque para raw sa meryenda ko.
She looked at me, "Dinala 'yan ng Tita-Nang mo nung nakaraang araw, pinasok ko lang sa loob kasi para makita mo. Nakita mo na ba 'yan doon sa resto?"
Mabilis akong tumango at inibabaw ang litrato namin ni Conrad sa may kalakihang mesa. Ito 'yung pinag-agawan nina Riley na photo frame at akala ko hindi ko na ito makikita ulit dahil pinaligpit ko na siya sa mga naglinis.
"Nung inaayos po namin 'yung mga nakatagong gamit doon sa office, nahalungkat 'yan nina Riley. Nagulat nga ako na meron pala kaming litrato na ganyan."
Tumawa ng mahina si Mama. Lumapit siya sa gawi ko upang tingnan ang litrato at pinatay niya na rin ang apoy na nakasindi. Luto na yata 'yung mga saba.
"Si Luke yata ang kumuha nitong litrato o si Mina pero hindi ako sigurado. Hindi mo ba matandaan kung saan 'to?"
I shook my head when I remembered Conrad asking me the same question last time he saw it. Kung hindi ko ba matandaan kung ano ang nasa picture.
"Hindi po. Tinatanong niya rin po sa akin 'yan nung nakita niya 'yan na litrato. Pero alam kong meron kaming litratong dalawa dahil mahilig kumuha ng pictures si Tita-Nang," nag-aalangan na sagot ko.
Maliit siyang ngumiti at binalik ang mata sa litrato bago magsalita.
"Birthday 'to ni Conrad, kung tama ba ako. Pareho yata kayo rito pitong taong gulang, parehong makukulit." She laughed as she reminsce something while staring at the picture. "Ah... oo, natatandaan ko na. Birthday nga 'to ni Conrad at nag-celebrate tayo nito sa isang restaurant sa Naga na may club house. Mahilig kayong dalawa sa slides kaya nagpupumilit kayong puntahan 'yung club house."
Huminga ako ng malalim sa pagkakabanggit ng mga alaala ni Mama at napangiti rin ako sa nakakahawang ngiti niya. Mahal na mahal niya si Conrad kaya't mahalaga pa rin sa kanya ang mga alaala.
"Tapos nangako naman kami na pagkatapos ng celebration ay maglalaro kayong dalawa doon." My eyes lightened when she looked at me, like she was asking. "Sobrang dikit niyo pa rito, anak. Para kayong kambal dahil sa hindi kayo mapaghiwalay."
"Ma, halos tanghaling tapat. Bakit naman ngayon ka magda-drama?" pabirong tanong ko at muntik niya rin akong hampasin.
Sarkastiko siyang tumawa at mahina rin akong natawa nang tumalikod siya upang kunin ang niluto.
"Hindi ka nagseseryosong bata ka! Pasalamat ka natatandaan ko pa kasi kung hindi, si Mina ang magkukwento sa inyo kung anong meron diyan sa litratong 'yan," inis na singhal niya.
Sabay kaming umupo sa upuan ng mesa at napasilip ako sa bintana nang marinig ang tambutso ng tricycle ni Papa. Napatingin din siya rito at bumalik naman kaagad ang atensyon niya sa akin.
"Ang pinagtataka ko, Ma, kung bakit nandoon siya sa loob ng Cucina. Pinagpyestahan pa tuloy kami nung mga kusinero doon," I complains while scratching the left part of my head.
Her lips went upside down to shrugged because he probably didn't have an idea.
"Mahilig nga magtago si Mina ng gamit lalo na ng mga albums at baka doon niya lang naitago 'yung iba pang mga litrato. Tapos nung dalhin na lahat ng mga naglinis 'yung mga nakuha doon, nakita niya siguro 'yan kaya dinala niya rin agad dito."
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
