EPISODE 04
Sana makaramdam siyang hindi ko siya gugustuhing makita, kahit ni anino niya sa loob ng Cucina na pag-aari niya. A mild visit would be fine! Sabihin na natin siya ang owner kung saan ako kumukuha ng pera pero hindi naman palaging nagkikita kami, 'di ba?
Depende na lang kung may sira utak niya at lilitaw siya ng halos buong araw sa mata ko.
And I can't do that!
"Good morning, Nate," Conrad greeted me the next day early.
My eyes directly tore at him, and officially it's not a good morning for me. Lunes na lunes! I inhaled to pluck a smile in my lips na kahit alam kong hindi ko kayang ngumiti sa kanya. His eyes went down to my helmet while leaning his back on the black and foamed chair.
"Hi... good morning," I smiled at him.
I swear it was the fakest smile I ever gave to someone.
"Breakfast?"
Maliit akong umiling, "I'm done, salamat," mahinang usal ko.
I excused my self to enter in the kitchen dahil nakaupo lang naman siya sa isang bakanteng dining table. Ramdam ko pa rin ang gulat sa katawan ko ng makita siya ngayong umaga. Riley and Eileen even told me that he is one of the early birds today.
"Binigyan niyo na ng breakfast si Sir Conrad?" I asked them.
"Tinanong namin kanina at americano lang hiningi, pero binigyan namin ng bread para may nguyain siya. He said, he's going to check some of our menu today and baka mag-check din siya ng finances, kasi utos daw ni Ma'am Carmina."
Huminga ako ng malalim sa sagot ni Emma. At least nawala ang agam-agam ko kung bakit ang aga niyang nilabas ang sarili niya ngayon. Baka nga inutusan talaga siya ni Tita-Nang para malaman niya na rin ang mga gagampanan niya bilang bagong owner.
The moment I slipped on my chef jacket, time seemed to speed up. I had to look busy, anything to avoid giving him a reason to talk to me or interrupt my flow. Mas mabuti ng sigurado. But I want to make sure also that I don't look anxious or pressed na kung pwede lang ay ginawa ko na.
Iniisip ko kasi na baka makaapekto ang pagiging balisa ko sa mga lulutuin ko ngayong araw.
Kinuha ko na ang recipe book sa malaking aparador namin na kulay brown, na malapit lang sa locker room. Naririto nakalagay lahat ng importanteng papeles, katulad ng business permit.
Our daily needs took so much hours to think. Kailangan muna namin i-check ang mga stocks at mga gagamitin na ingredients kung fresh pa ba sila para sa kung ano man ang ihahanda namin.
We must think about the dietary preferences of our market or customers, madalas din kami puntahan ng mga vegetarian since we always offer pasta and veggie salads.
I took care of the Secondi Piatti or the main course of our menu today. My chefs already knew what they were going to focus on but I needed to check them first at huli kong idadaa kay Conrad.
"Male-late raw po si Chef Theo today," sagot ni Kayla ng hanapin ko si Chef Theo ng magtipon sila.
Tumango akong may maliit na ngiti sa labi. I was holding a paper with a list of dishes at naipasa na rin nila sa akin mga ipe-prepare ngayon. I was about to go out para puntahan si Conrad sa table niya ng masilip ko sa maliit na bilog na window. At mula sa labas ay nakikita ko ang pakikipag-usap ni Conrad kay Chef Theo.
Sa dahilan na may kausap pa siya at hindi ko gugustuhin na maging sagabal sa pag-uusap nila ay bumalik muna ako sa station ko para i-double check ang mga ihahanda. We still have an hour to prepare and being anxious would not help me.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
