EPISODE 25
"Huwag kang lumapit!"
The words tore out of my chest before I could stop them. Sa lakas din ng pagkakasigaw ko ay ibinuhos ko rin ang buong pwersa ko upang itulak siya paatras sa akin. Even though I know how heavy his body was.
Basa na ako mula ulo hanggang paa, but all I could feel was the heat of his arms that is still clinging to my skin. His scent mixed with the rain after he hugged me after so many years.
"Nate... I'm so—sorry," he stammered.
Umiiling ang ulo niyang basang basa rin at kahit lumalabao na ang paningin ko ng dahil sa ulan ay nakita ko ang pag-abante ng paa niya palapit sa akin.
I took a step back and saw how his lips parted and his hand twitched like he wanted to reach out again.
Hindi ko na ininda ang basa kong damit, kahit pakiramdam ko ay may kung ano ng kumakalabit sa lalamunan ko. All I cared about was getting away.
"I didn't mean to kiss you..." bulong niya.
His voice was drowned slightly by the rain. It sounds like a confession that the universe itself wasn't sure it wanted to hear.
My heart is really pounding so hard.
"Pero bakit ginawa mo?!" I snapped in disbelief.
Umiling siyang pumipikit. "Hindi ko na kaya. I cannot see you going out with someone na hindi ako ang kasama mo, Nate."
Tumawa akong pinupunasan ang mukha. "Tangina! Sino ka ba? Ano bang pakialam mo sa kung sino ang kasama ko?" Umiling akong lumulunok ng dahil sa mga narinig ko mula sa bibig ko.
"Huwag mong susubukan na sundan ako!"
Mabilis ang nagawa kong pagtalikod sa kanya at narinig ko rin ang malakas niyang pagtawag sa pangalan ko ngunit kahit isang beses ay hindi ko siya nilingon.
I decided to run while holding my small bag just to leave the parking lot dahil kapag sumakay na siya sa sasakyan niya at makita niya akong naglalakad sa gilid ng highway ay posibleng sundan niya ako.
Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa kong nagtatampisaw sa tubig, nanatili lang akong humihinga ng maayos sa gitna ng malakas na ulan. At nang mahagip ng mata ko ang umiilaw na green at orange na logo ng 7-Eleven ay naisapn kong magpatila na muna.
Medyo malayo na rin ang distansya ng tinakbo ko mula sa lugar kung saan ko nahagkan muli ang labi ng lalaking unang nagpatibok ng aking puso.
While sitting on the vacant chair from the outside, I couldn't even think straight from what just happened. Ngunit sigurado akong parang may sumabog na kung ano sa loob ng dibdib ko.
I didn't know if it was anger, confusion, or the deep, unspoken fear I'd buried for years, the fear that this could possibly happen, that Conrad could do this and I wouldn't know how to handle it.
Kaunti na lang ay gusto ko nang iuntog ang ulo ko sa pader na katabi ko dahil baka nasa gitna lang ako ng panaginip kong hindi ko gugutsuhing mangyari sa totoong buhay.
He kissed me for about a seconds ngunit kung ikukumpara 'yon sa ginawa kong paghalik sa kanya nung prom namin ay parang mas matagal ito. I tried to process it all at wala pa man din akong nabibili sa loob ay natulala na ako habang nakasandal ang parehong kamay ko sa table.
Nawalan na rin ako ng oras upang bigyan pa ng pansin ang mga customer na pumapasok at sa mga nasa loob dahil kahit nasa labas ako ay nakikita kung gaano ako naligo sa ulan.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
