EPISODE 23
Lumaki ang mata ko at pakiramdam ko'y parang nanginig bigla ang buong labi ko. I breathe heavily.
"H-huh?" I blinked so many times just to make sure that he asked that. "Anong tanong mo?"
"Imposibleng hindi mo narinig. Gusto mo lang ulitin ko, eh," he grinned with his teasing voice. "Pasok na ako sa kwarto para magpahinga, pahinga ka rin muna. You should take a rest with your daughters, Nate."
Hindi niya hinintay kung ano man ang magiging tugon ko sa tinanong niya kanina. I couldn't be able to think straight after I heard it, narinig ko siya ng malinaw. At ang mas nagpapasikip ng dibdib ko ay bakit gustong paulitin ko iyon sa kanya.
Goddamn it, Nate!
It's getting freakier the more I think about it. Pinipilit kong ipasok sa gulong-gulo kong utak na nakita niya lang ako kung paano ko halikan si Lily ay kaya niya naitanong 'yon. But who gave him a permission to ask me if need a 'Daddy' to my lovable cats!?
Hindi ko kailangan and I should've told him that straight to his face.
When I entered the room, I tried to focus on feeding Lily and Lime instead of overthinking that stupid question. Pero dahil may connect ito sa dalawa kaya hirap din akong iwasan ito.
Binuksan ko ang laptop ko para i-check kung anong nangyayari sa Cucina by checking some messages from Chef Iris. Pagkauwi din namin dito sa unit galing binyag ay hindi ko rin kinalimutan sabihan si Mama na nakauwi na kami ni Conrad.
I was looking for my charger inside my drawer from the side table ng mapansin ko ang medicinal kit na nakasabit sa hanging pockets ko sa pader. Katabi nito ang side table at sinabit ko ito rito dahil dito ko nilalagay ang mga importanteng gamit ng mga pusa ko.
Kinuha ko ito para tingnan kung meron bang Salonpas at napataas ang kilay ko ng makumpirma kong meron. Naalala ko lang bigla kung paano niya paikutin ang malalaking braso niya kanina bago ko siya tanungin kung masakit ba ang likod niya.
Maaga siyang nagising kaninang umaga para mag-gym sa baba at hindi ko naman napansin na meron pala siyang iniindang sakit. Ang tanging naalala ko lang ay kung paano niya kurutin ang tagiliran ko.
I checked my cats before stepping out of the room, para masiguro kong hindi sila makakalabas kapag lumabas ako. Nang tuluyan ko nang nasarado ang pinto ng kwarto ay nakita kong nakasara ang pintuan niya.
Baka nagpapahinga.
Bigla akong nagdalawang isip kung kakatukin ko ba siya dahil nakasara ito but I remember the night he told me na huwag raw akong kumatok. Pero mas maiging gawin iyon, baka magulat na ako sa kung anong maaabutan ko sa loob.
I knocked two times using my right hand because my left was holding the small box of the pain killer pads, at nakadalawang tawag na rin ako ng pangalan niya pero walang sumasagot. I was about to open the door when he showed up from the kitchen.
"Hey, why? Kakatapos ko lang maligo," he asked immediately at marahang huminto ang paghinga ko dahil basa pa ang buhok nito. "Dapat hindi ka na kumatok, pumasok ka na lang."
"Baliw ka ba?"
He suddenly laughed but my face didn't shift to any reaction.
There's a white towel hangingon his left shoulder at buti naman ay nakasuot na siya ng white t-shirt. Sa pangibaba naman ay gray na sweatpants, na kung titingnan ay tila komportable ito sa kanya.
Huminga ako ng maayos bago ko iangat ang maliit na box sa kamay ko.
"Meron pala akong naidalang Salonpas. Gamitin mo diyan sa likod mo, baka makatulong kahit papaano," I said casually.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
