EPISODE 12
Maayos akong bumuntong-hininga sa harapan niya, kahit ramdam ko sa sarili ko pag-aalangan sa loob ng dibdib ko. My face acted like I wasn't surprise because I need to.
I nodded slowly. "Yes... pero hindi naman natuloy. One week lang yata tumagal 'yung pangungulit niya sa akin."
Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya habang nakatitig siya sa akin. Napansin ko rin ang maliit na ngiti sa gilid ng labi niya, na parang hindi niya alam kung paano sasagot. That smug expression of him, ramdam kong parang hindi siya makapaniwala.
"Hindi naman na dapat ako magulat na sasabihin 'yan sa 'yo ni William. Matagal ka rin nawala, at matagal din akong nawala sa kanila," saad ko. "And they probably wanted to share it with you. Naiwan na lang siguro sa utak nila."
Conrad looked away and blew out a soft laugh. "I'm confused..."
Mahina akong natawa. Patuloy kong kinakalma ang diwa ko pero gusto ko nang matapos ang usapang ito. I stepped forward and started walking away, hoping that he'd just let me go.
"Hey, Nate!" sigaw niya mula sa likuran. "Huwag mo naman akong iwan! Ang dilim na doon, oh!" Halos napairap na lang ako habang umiiling.
"Kung wala ka ng sasabihin na importante, umuwi ka na. Nasagot ko na rin naman ang tanong mo," sabi ko nang hindi siya nililingon, at huminto ako sa tapat ng sasakyan niya.
Narinig ko ang malalambot niyang yapak habang papalapit. Nang balingan ko ito ay naglalakad siya na parang nakagat ng kung ano dahil sa sobrang bagal.
"Bakit hindi mo siya pinayagan?" he asked me again and this time his voice was probing. "Is it because of me?"
I rolled my eyes at him. Chismoso rin pala 'to.
"Siguro," medyo patuyang sagot ko, "pero may natitipuhan na rin kasi ako no'n nung magpapansin siya. We were in second year at hindi ko na rin maalala lahat. Baka isa ka na rin siguro sa dahilan kung bakit hindi ko siya gusto." Napangiti ako nang bahagya, pero halatang may sakit sa tono ng boses ko. "I hated all of you. He should've known that."
Pansin kong natigilan siya, pero sa halip na umalis ay marahan siyang yumuko sa harapan ko, parang dinadamdam ang bawat salita ko.
"William was straight," I added, my voice cold but firm. "Just like you."
"He told me that he was curious. Kasi noon pa raw niya nararamdaman 'yun kapag kasama niyo ako maglaro ng volleyball. Pero putangina, Conrad. Kung gusto niya pala ako, dapat tinulungan niya ako nung binugbog mo ako. Hindi ba?"
My words hung in the air like a dagger suspended between us. Nakatitig na ako sa kanya, naghihintay ng sagot na alam kong wala siyang maibibigay. His face fell, parang lahat ng hiya na pilit niyang tinatago, unti-unting lumabas.
"I'm sorry, Nate..." he mumbled.
Umiling ako at pilit na tinatanggal ang bigat sa dibdib ko. "Pero labas ka na do'n sa rason kung bakit hindi ko siya pinili. I made my choice, Conrad. It wasn't William. It was Randy. He was my ex-boyfriend from college." I took a deep breath, my voice softening. "Mas pinili kong gustuhin si Randy kasi... mas madali 'yon."
Halos pabulong niyang tanong, "Where is Randy now?"
I let out a bitter and sharp laugh. "Bakit naman napunta na tayo kay Randy?" I snapped, shaking my head. "Ano ba'ng pakialam mo?"
"Wala," sagot niya agad, umiiling. "Nasabi lang sa akin kanina ni Will na may naging boyfriend ka raw, kaklase mo. Same rin daw kayo ng field."
"Yeah. Same field. Same mistakes. But that's none of your business." Tinapunan ko siya ng matalim na tingin bago ibinalik ang atensyon sa paper bag na hawak ko. "Anyways, I hope malinaw na sa 'yo ang lahat. Papasok na ako sa loob, salamat na rin sa pagbayad ng mga kinuha ko."
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
