EPISODE 06
I saw his face fall at my words. It clearly hit him hard, his expression twisted with a mix of hurt and embarrassment that I couldn't ignore. At galing lahat ng 'yon sa puso ko at wala akong tinira dahil lahat ay dapat niyang marinig.
I didn't even goodbye or give a sign na aalis na ako sa harapan niya. Hindi ko naman kasi inutusan siyang lapitan ako at magtanong ng kung ano-ano. Ayun, nasaktan pa tuloy siya.
Pero nasaktan ba talaga?
Mas lalong lumamig ang simoy ng hangin nang makarating ako sa apartment at habang pinipihit ko ang door knob mula sa pinto ay naalala ko pa rin ang mukha niya. I closed my eyes to wipe his image on my mind.
Mas malala pa sa sinabi ko ang naranasan ko mula sa kanya.
Mula sa loob ng kwarto ko ay napansin ko na ang hindi magandang kulay na bumabalot sa langit ng dumating ang umaga, at parang uulan pa.. Uminom lamang ako ng kape upang makaramdam ng init ang loob ng tiyan ko, pati ang buong katawan ko.
Sa sobrang lamig ng panahon ay nakalimutan kong hindi ko pala ginamit ang aircon sa kwarto.
"Bakit dinala mo motor mo? Baka umulan, Chef, ilagay mo na lang siya doon sa malapit sa guardhouse."
"Tinatamad ako mag-commute, ang lamig," giniginaw kong sagot kay Chef Riley.
Tumawa siya at hinintay akong humakbang sa hagdan at. Nakatayo siya mula sa main door ng restaurant. She is wearing a plain lavander girly jacket that looks cute on her. Hinanap ko rin ang boyfriend niya pero wala akong nakita.
"Mamaya na siguro, pero baka hindi naman. Huwag mo naman paulanin." I looked at her, "Ikaw, paladesisyon ka rin, eh." Tumawa kaming dalawa at inayos ang sling bag sa likuran ko.
We walked into the restaurant, silently agreeing to leave last night's parking lot incident unspoken. Maayos naman akong nagpalit ng damit dahil civilian ang suot ko at makapal na dark blue na windbreaker.
Mas gusto ko ng ganitong senaryo kapag umaga, 'yung wala akong nakikita na magpapaalala ng masasakit na nakaraan. Kahit naman siguro sino ay hindi gugustuhin na makita ang taong inalis mo na sa buhay mo.
Kaya nakakagulat kung bakit bumabalik pa sila.
Para ano?
"Ikaw na lang magpo-propose kay Sir Conrad tungkol sa ipe-present natin para sa expose?" I asked Iris when she handed me the folder with the planner inside na binigay ni Tita-Nang sa kanya.
"Ikaw na lang po siguro, Chef. Para mabigyan niyo po siya ng opinyon since both of your opinions are important. Mga kanang kamay niyo lang po kami na sasama sa inyo," napapahiyang saad niya.
I chuckled, "Anong kanang kamay lang, Chef Iris?" natatawang kong tanong. Pumait ang mukha ko at napahiya ng kaunti ang mukha niya kaya sumilay rito ang ngiti sa labi. "Malaki po ang tulong mo sa akin... sa amin kapag may mga event ang Cucina kaya huwag kang ganyan Chef Iris."
She laughed ashamedly at nahampas pa ako sa braso dahil sa hiya. Baka na-realize niya na isa siya sa mga nakikita kong MVP ng Cuina kaya huwag niya akong ginaganyan. I admire her for being consistence and passionate, lalo na kapag nakasalang siya sa loob ng kusina.
Mahilig lang maki-pa
gbiruan at tsismisan but I like her more than his kitchen partner.
Nagpaalam ako sa staffs na papasok muna ako ng office upang basahin ang nasa papel na inabot sa akin ng babae. Hindi ko 'to nakita simula nung magkaroon ng announcement si Tita-Nang, at habang tahimik na binabasa ito ay wala akong nararamdaman na kahit anong problema.
STAI LEGGENDO
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
