EPISODE 20

88 6 1
                                        

EPISODE 20



I had been inside a moving car for what felt like forever. Sa sobrang tagal ng biyahe, halos dalawang bagay lang ang nagawa ko. Ang matulog o kaya'y tumulala habang pinagmamasdan ang tahimik na tanawin sa labas ng bintana.

Kung iisipin ay nakakapagod din pala ang umupo lang nang matagal. Pero paano pa kaya 'tong lalaking katabi ko? He's been driving straight for five hours again bago kami nag-stop over sa isang kainan, and now, ay balik-maneho na naman siya.

Sobra-sobra na ang bumabalot na hiya sa mukha ko dahil nakaupo lang ako rito, walang ginagawa kundi matulog at mangalay sa kakatingin sa bintana. So to ease the guilt, I forced myself to ask something, na kahit random lang para maisip naman niyang hindi siya nag-iisa rito sa sasakyan.

"Two years pala ang MSA?" gulat kong tanong matapos niyang sabihin sa akin ang taon ng master's niya.

Pilit ko rin na tinatago ang antok sa boses ko.

Nakangiti siyang tumango bago sumagot. "Oo, eh. Kaunti na nga lang, napapagod na ako," he chuckled. "No, I'm kidding. I have a goal, so I need to finish it. Two years lang naman at sobrang bilis lang gumalaw ang oras."

Tumango ako bago huminga ng malalim habang pinipilit hanapin ang loob ko. This might be the only chance to finally ask something that's been sitting in my chest ever since nalaman kong nagma-master's siya.

"Can I... ask why?"

He glanced at me, his eyes flicking toward mine for a split second. "What do you mean?"

I blinked and cleared my throat. "Kasi 'di ba graduate ka na ng Accountancy? Why are you taking master's now?"

Dahil nakatingin ako sa kanya at siya naman ay tutok sa kalsada, I caught the subtle way his Adam's apple bobbed. He was thinking carefully on what to say.

"Gusto ko lang," he answered, wearing a smug grin that tugged at the corner of his lips.

Ang yabang.

"No," he added, finally letting out a soft laugh. "Uhm, someone recommended it to me. Sabi nila, marami raw benefits kapag MSA ka na. Not just here, pati na rin daw sa ibang bansa. May edge ka raw kung sakali mang mag-a-apply abroad."

Napataas ang kilay ko and I was partly curious. He glanced at me again, and as if on cue, I had to look away kasi ayokong mapako sa ngiti niyang walang-hiya kung humagod.

"But for now," he continued, "I don't really have a plan kung aalis ba ako sa Pinas once makapasa ako as MSA. Itong Cucina na muna ang inuuna ko aside from studies and... some personal things."

His voice softened, then shifted slightly when he said some personal things.

I swallowed. "Sabagay... pero sure 'yan. Mas gugustuhin mo pa rin sigurong umalis one day rito sa bansa. Ang baba kasi ng sweldo rito, lalo na kung ikukumpara mo sa abroad."

He paused.

"Paano kung ayaw ko nang umalis... ulit?"

Napalingon ako sa kanya. He was still looking straight ahead, pero ramdam ko ang tensyon na kasunod ng salita niya.

"Ulit?" I echoed. "Wala naman sigurong pipigil sa 'yo."

He shrugged lightly, hands steady on the wheel. "Depende. Kung pipigilan mo ulit ako."

My heart skipped a bit because I startled a little. Bigla naman akong lumingon sa kanya, and this time, I didn't even try to hide the confusion or the chaos on my face.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora