EPISODE 02
I couldn't even begin to describe the look on my face after hearing what he said. A hug? Gusto niya ng yakap galing sa akin?
My forehead crossed with confusion.
"No," umiiling ang ulong sagot ko.
Mula sa tabi ng pintuan, napansin ko ang pagbabago sa kanyang mukha, isang reaksiyong hindi inasahan mula sa sagot ko. Paano niya naisip na handa akong yakapin siya matapos ang nangyari sa aming dalawa?
Does he think that 5 years is enough to forget those things that he did to me? Seryoso ba siya?
"Conrad, hinahanap ako ng Mama mo. I need to go." I let out a breath and spoke without a trace of emotion.
"I came here to see you."
Nakatitig ang parehong mata niya sa akin nang sabihin niya iyon. But I slowly looked away because I felt something different.
It felt as if I were looking at someone I had lost to time, a face I thought I'd never see again.
"Pwede bang sabay na tayo bumalik doon?"
"Bakit?"
Nakita ko ang paghinga niya ng malalim sa tono na ginamit ko. Hindi ko alam kung nahahalata niya bang ayaw ko siyang makita ngayon, bukas o sa susunod na araw. At sa lugar na maaaring makasama ko siya.
Wala ba siyang ideya na halos gusto ko nang talunin ang balcony na kinatatayuan naming dalawa para lang iwasan siya?
"I'm sorry, Nate," he whispered right in front of my eyes.
My jaw tightened instantly as I fought back the laugh threatening to escape. A sarcastic and unexpected laugh.
"Mauuna na ako," malalim at wala sa sariling paalam ko.
I suddenly turned my back to him without waiting for his answer. As if I care, because aside from I don't mind listening to it, I don't want to look at him. Mas lalong tatagal ang pwesto kong nasa harapan niya at nakatitig sa kanya kapag papakinggan ko pa siya.
I couldn't believe that I had to hear that. His fucking 'sorry'. But did he mean that? Seryoso ba talaga siya?
Kasi, ano bang sumapi sa kanya at bigla na lang niyang nasabi 'yon sa akin? Sa buong buhay ko, ni minsan hindi ko narinig sa kanya ang salitang "sorry," lalo na sa mga taong ikinahihiya niya nung una. Sa mga taong gustong mawala sa buhay niya at tapos ngayon ay bigla kong maririnig ko 'yon?
Holy fuck! That means the world is healing!
"Nate, I'm here! Son!"
Lumagpas ako sa pintuan ng cold-kitchen ng reception at agad kong narinig ang pagtawag sa akin ni Tita-Nang.
Hindi ko mapigilan ang hindi mailang nang diretso ko silang lapitan sa halip na dumiretso papuntang parking lot upang umuwi. My mother was standing beside her that's why my heart seems melting dahil ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko sila kaya hindian.
"Sumasakit daw mata mo?" Chef Oli asked me when stopped walking beside him.
"Opo, sa contact lens ko po yata."
Hindi ko napansin si Chef kanina nung lumabas ako ng kitchen at siguro bago siya umuwi ay kailangan niya muna kausapin ang dating may-ari ng restaurant. I gaped into Tita-Nang's face and she looks like a kid that wants my attention.
"Naninibago lang yata ang mata mo kaya ganyan. Siguro kapag nasanay ka na, maiiwasan mo na rin ang pananakit," nakangiting saad ng lalaki. "You should rest, Nate."
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
