EPISODE 24

109 9 13
                                        

EPISODE 24



"It will take some process, Nate. Trust me. Kung nag-aalangan ka ngayon, siya naman ay patuloy pa rin sa pagsisisi sa nagawa niya sa'yo. Loka-loka lang ako kanina, pero tine-test lang kita kung papayag ka ba... pero alam ko naman na hindi."

Napahaba ang usapan naming dalawa na halos makalimutan namin na ang lalaking pinag-uusapan ay nasa kabilang kwarto lang. I took a glanced at my window and when I check that it's almost dark ay nagpaalam ako sa kanya na magluluto ako ng dinner naming apat. Para kapag umalis kami mamaya papuntang bar ay may laman ang mga tiyan namin.

Ngunit hindi ko naman inaasahan na sa paglabas ko ay makikita ko ang lalaking bumabagabag sa isipan ko. Nakaupo siya ngayon sa sofa sa tabi ng pintuan ko at nanonood ito ng volleyball game sa t.v.

"Tulog sina Zahra?"

Umiling ako ng malampasan ko ang pwesto niya dahil dumiretso ako sa kusina. "Si Dash lang, si Zahra naman ay hindi makatulog. May pupuntahan pala kami after dinner..."

Nahinto ako magsalita dahil sa diresong tingin niya sa akin. Suot niya pa rin ang damit niya kanina nung pagbuksan ko siya ng pintuan at ng ibaba ko ang mata ko ay nakaangat ang paa nito sa small table sa harapan ng sofa.

"Pupunta kami ng BGC."

Tumaas ang mata niya sa gulat, "Really? Kami rin mamaya, nag-aaya si Dennis sa akin kagabi since matagal na rin 'yung huli naming inuman doon. Inaaya ka rin sana nila pero buti sinabi kong hindi ka masyadong umiinom."

Tuluyan kong naramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko nang marinig iyon sa kanya at parang may kumulong kung ano sa dibdib ko ng panuorin siya ngumit ng malapad.

"Nate! Gusto ko ng garlic-parmesan chicken, pwede mo 'ko lutuan? May nakita kasi akong parmesan diyan sa cabinet niyo kanina," ngumingiting saad ni Zahra nang lumabas ito sa kwarto ko.

Nagulat siya ng makita si Conrad na nakaupo sa sofa nang mulatan ko ito ng mata at nahihiya siyang lumingon sa lalaki.

"Aalis pala kayo mamaya, Zah?" Conrad asked her and I saw how she pressed her lips kaya napakunot ng kaunti ang noo ko.

"Oo, Con. Nagpaalam na ba sa 'yo si Nate?" nahihiyang tanong niya.

Tumango ng mabilis si Conrad at hindi ko alam ang reaksyon ng mukha niya sa agot ng kaibigan ko.

"Saan kayo pupunta? Revel ba?"

Umangat ng tingin sa akin si Zahra bago niya sagutin ang lalaki at mabilis akong umiling.

"Ahh, hindi ko alam. Saan ba 'yan? Baka hindi diyan, si Dash kasi ang nag-aaya baka sa ibang bar," diretsong sagot ni Zahra at napapikit ako ng maramdaman ko ang ginhawa sa dibdib ko dahil hindi siya nautal habang sumasagot.

"Sige, I'll ask Dash later kung saan kayo pupunta. Baka sa Revel, at kung doon man. Maybe see you there," he added while still facing at her.

Hindi ko na siya hinintay na bumaling sa akin kahit alam kong doon naman papunta yo'n. Binilisan ko na lang ang paglapit sa refrigirator upang kunin ang chicken sa freezer para mapalambot na ito.

I started doing my thing in the kitchen samantalang si Conrad naman ay patuloy pa rin sa panonood sa sala. Hindi na rin ako nagulat ng lumapit siya sa akin upang tanungin kung ano ang maiutulong at inutusan ko siyang tanggalin na lang ang mga kalat sa lababo para malinis tingnan.

Hindi ko rin maiwasan ang matawa ng palihim kapag minamasdan siyang sumusunod lang ito sa mga inuutos ko. Na kung iisipin ay pagdating sa site o sa restaurant niya ay siya ang sinusunod ng mga tao doon. That's kinda ironic.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now