EPISODE 11

139 9 3
                                        

EPISODE 11



"Ang taba ng mga cheeks mo rito, Chef Nate!" sigaw ni Eileen habang ikinaway mula sa pwesto niya ang may kalakihan na picture frame.

Malakas akong tumawa habang humahakbang palapit sa kanya, ngunit may kaba na rin agad akong naramdaman.

"Saan mo nakuha 'yan?" tanong ko. My throat satrted to dry when I already saw the whole photo from her hands. "Patingin nga ako," dagdag ko gamit ang nanghihinang boses.

My heart suddenly sank. Parang gusto kong mahimatay nang makita ko kung sino ang kasama ko sa picture, kami ni Conrad! Mas lalong gusto kong magpalamon sa litrato nang sumigaw pa si Riley mula sa pwesto niya.

"May nahanap po kami, Sir Conrad, na picture niyo ni Chef Nate! Nakita niyo na po 'to?"

Bumaling ako sa pintuan, at tama nga ang hinala ko. Conrad was now also inside the office! Naramdaman kong lumapit si Riley kay Eileen para kunin ang picture, pero natigilan siya nang makita niya itong hawak ko.

"Ay, wait lang po, tinitingnan pa pala ni Chef Nate," mabilis na sabi niya.

I faced her and forced a smile. "Uh, no. Ito na," sabay abot ko ng frame.

Pinanood ko siyang lumapit kay Conrad at iniabot ito sa kanya na parang bata. Tumalikod na ako nang makita kong kinuha na ito ng lalaki. Alam kong galing ito sa isa sa mga cabinets sa opisina. Habang nagliligpit kami ng gamit during our break, may nakita silang mga lumang bagay na nakatambak rito, at isa na nga ito.

At picture pa namin ni Conrad! I didn't even know na meron pala kaming ganitong litrato! Ang alam ko lang, may family picture sila, pero ito? Bakit meron?

"Patingin din, boss!"

Sigaw ni Aiden habang umaakbay kay Conrad. Napalingon ako sa kanila matapos kong maayos ang isang kahon. Conrad was smiling as he stared at the picture.

"Para ka pong si Charlie, Chef. Ilang taon kayo nito?" nakangiting tanong ni Chef Iris sa akin at katabi niya lang si Conrad.

I shook my head.

"Hindi ko na matandaan, Chef I. Hindi ko nga alam na meron kaming picture na ganito."

I chuckled so as not to feel something embarrassing.

"We were eight in this picture," Conrad suddenly joined the conversation. Binasa ko ang laway ko nang tumingin ako sa kanya. Papalapit na pala siya sa gawi ko. "Hindi mo na matandaan?"

"No," walang emosyong sagot ko at umiling.

"Tingnan mo nang maigi," utos niya at inabot sa akin ang hawak niya.

I leaned on the table's edge as I took the frame from him. My palms were slightly sweaty as everyone's eyes seemed to be on me. Huminga ako nang malalim at mag-isang tinitigan ang litrato.

It was an old picture, judging by the faded parts, pero malinaw ang mga bata sa litrato—kahit ilang segundo mo lang itong tingnan, makikilala mo agad kami.

I was wearing a denim jumper over a yellow T-shirt. Marahang nangati ang lalamunan ko because I looked like a minion. I was also wearing white rubber shoes. Meanwhile, Conrad, looked like a rich kid.

Well, he always does.

He is wearing denim pants paired with a crisp white polo shirt with a small pocket on the left chest. Parang galing pang Penshoppe! His hair was neatly styled, just like how he fixes it now, although it was a bit longer back then.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now