EPISODE 14

136 11 7
                                        

 EPISODE 14



There is no way you can get out of the past.

You can try to outrun it and pretend it doesn't exist, just to convince yourself that time will soften the edges of old wounds. Pero kahit anong gawin mo, bumabalik at bumabalik ka pa rin dito.

Even though you've heard all the reasons at ipinaliwanag na sa 'yo kung bakit nangyari ang lahat sa simula, you still find yourself digging. Clawing at the past, turning it over and over in your head, to search for something. A different outcome. A better explanation. Some kind of closure that will make it easier to breathe.

But the truth is, maybe you're not looking for closure at all.

Maybe you're looking for proof.

Proof that history won't repeat itself. Proof that the past won't come crashing back to ruin whatever fragile thing you're trying to rebuild.

Because deep down, there's a fear you can't shake.

A whisper in the back of your mind that says, what if it happens again?

Paano kung maulit na naman ulit 'yung nangyari?

And the worst part?

You don't know if you'll survive it this time.

Huminga ako ng sobrang lalim na tila galing akong digmaan na kakatapos ko lang lagpasan. A battle between mind and heart, but I still don't know who to follow. At kung ano ang tamang sundin.

Bumaling ako sa pwesto ni Chef Iris sa tabi ko at nililista niya ang mga pinag-uusapan naming ihahanda para bukas. I'm not thinking of him the whole day pero nang maalala kong kasama pala siya bukas sa pupuntahan namin ay pumasok na naman sa isipan ko 'yung gabing hinihintay niya akong sagutin ang tanong niya.

I wasn't ready and I could feel it. Hindi ko naman pwedeng biglain ang sarili kong maayos na kaagad kami dahil lang sa mga narinig ko.

Aminado naman akong nagsasabi siya ng totoo and that would be upsetting if I would know that he made that up. Para makuha lang ulit ang loob ko. Hindi siya gano'n.

Maybe I trust him for that and that's the thing that I could do for now.

"May stock pa bang marshmallows doon sa pantry, Chef? Para sana sa hotdog barbeque kasi mahilig ang mga bata doon," nakangiting sabi ko sa babae.

"Alam ko po, meron pa. Papa-check ko na lang po mamaya pagkatapos."

"Okay na rin 'yung receptionist na partner natin pagdating sa catering. Sila na daw bahala para bukas at pati sa dalawang clowns na hi-nire nila."

Ngumiti si Chef Iris sa akin at tumigil muna sa pagsusulat. "Sobrang excited na ako, Chef, sa totoo lang! Kasi two months tayong walang celebration na naganap doon, kaya rin hindi tayo nakadalaw sa mga bata."

"Oo nga," nakasimangot kong sabi at inaalala ang mga mukha ng mga batang may lugar sa puso ko.

"They are all excited too nung malaman nilang pupunta na tayo bukas. Hindi nga lang tayo kumpleto ulit, kasi nasa Manila na naman sina Tita-Nang. Si Mama din may mga kliyente bukas sa clinic niya, sumakto talaga."

Mahina akong tumawa ng sabihan ako kahapon ni Mama na posibleng hindi siya makakasama sa amin. Nangyari naman na 'to noon pero naninibago ako kapag wala sila, lalo na si Tita-Nang.

But Conrad will be there, at oras na rin daw upang ipakilala ko siya bilang bagong may-ari ng Cucina Eterna. Chef Oli could not make it also dahil siya muna ang magbabantay ng restaurant.

"Kailangan pa ba natin ng appetizer, Chef?"

"Kahit huwag na. May pica pica food naman tayong ilalagay kaya hindi na kailangan ng appetizer. At least they can choose anything kung anong gusto nila kainin while starting the program."

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now