EPISODE 08

135 8 4
                                        

EPISODE 08



"You saw how my tears shed because of you!"

I screamed, my voice cracking under the weight of my emotions.

I shouted too much that I even forgot na nasa labas pala kami ngunit wala na akong pakialam sa nangyayari. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko kasabay ng bumubuhos ng ulan at ilang segundo lang ay lumipas ay marahan siyang humakbang papalapit sa akin.

I was holding my mouth upang kahit ang tunog ng pag-iyak ko ay mapigilan ko. I was still crying in front of him at nakayananan ko pang umatras muli upang hindi niya maabot

He looked at me, his lips parting as if to say something, but no words came out. And in that silence, memories came rushing back of us, of everything we used to be.

"Best friends tayo, Conrad," I said, my voice barely above a whisper now, my tone drenched in anguish.

"We dreamed so much together when we were little, remember? We talked about how life would look like when we got older. I trusted you. I believed in you. Pero ang hirap para sa 'yo na tanggapin ako. Lahat ng pinagsamahan natin, kaya mo lang itapon, ibaon sa limot, na parang wala akong halaga sa 'yo."

I paused, the lump in my throat growing unbearable. "I even joined your stupid volleyball team because of you. Because I believed in every little thing about us." My laugh was hollow, bitter. "Pero siguro nga nagkamali ako sa lahat, hindi ba?"

He reached out, but I stepped back, putting distance between us.

"No, Conrad. Don't. Because if you really cared, you wouldn't have let me stand here, bleeding for you like this."

I was hurt. I was bleeding while I was soaked in the rain.

Sumabog na ako. Wala ito sa plano nung simula dahil ang gusto ko lang naman ay umiwas sa kanya, kahit pa sa loob o labas ng kusina. Pero bumalik ang lahat. Bumalik ang mga alaala na matagal ko nang ibinaon sa limot, ang sakit na akala ko'y napatawad ko na.

At dahil do'n, hindi ko na rin talaga napigilang ilabas ang totoong nararamdaman ko.

Mabilis kong tinalikuran ang lalaking hindi ko kailanman inakalang mamahalin ko. Ang lalaking naging kanlungan ko sa panahong pasan ko ang mundo. Ang isa sa mga naging sandalan ko, sa tuwing kailangan ko ng isang taong makakaramay ko.

He was my first love, the love that once gave me life, but the first love that I want to die.

I was crying while running to the back door at siguro gusto rin ang damayan ng pagkakataon ay wala akong naabutan na tao sa loob. The locker room was empty at nang maghilamos ako sa sink ng restroom namin sa loob ay 'saka ko lang naalala na naiwan ko pala ang motor sa labas.

"Novah! Kumuha ka ng towel sa loob ng storage room, basang-basa si Sir Conrad!"

Hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Eileen at sa lakas nito ay mula sa loob ay narinig ko iyon. Nagmamadali akong pinunasan ang buhok ko upang kahit papaano ay matuyo dahil pakiramdam ko ay papasok siya rito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil walang pumasok sa loob.

Umalis ako ng walang paalam sa Cucina, papadalhan ko na lang ng message ang group chat namin at magrarason na may emergency sa apartment ko.

Hangga't maaari ay gusto ko na makaalis rito. I don't want to cause any rumors or questions.

Malakas ang kutob ko na nasa loob siya ng kusina dahil lahat siguro naalarma nang makita nilang basang-basa ang owner. Because it was strange to see him all wet kahit may payong naman.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now