EPISODE 27

93 8 10
                                        

EPISODE 27



"Bakit isasama mo ako? Ikaw, kahit kailan talaga sumusobra na ang pagiging timang mo! Bigla ka na lang nagdedesisyon ng hindi nagsasabi sa akin. I mean, thank you for your surprise but enough with the surprises!"

We are both now in a garment store inside the SM Aura at nagpapasama siya sa akin dahil may titingnan raw siya rito. Kaya pagkapasok namin kaagad ay sinalubong ko siya ng reklamo.

"Alam mo nakakasakit sa puso na nakikita mo lang ako bilang isang timang. I don't even know what timang is and I know it's not a nice word to describe me, kaya sana tigilan mo na 'yan. Nasasaktan ako, Nate," saad niya na ikinakunot ng noo ko.

"Wow! Parang ang sama ko namang tao sa paningin mo!" Huminga ako ng malalim at tiningnan siya, "Bawiin mo na kasi ang sinabi mo kila Tita-Nang at Mama na isasama mo ako sa bakasyon mo."

He chuckled while checking some of the shoes that had been displayed on the racks. Hindi ako tumigil sa pagtingin sa kanya dahil gusto kong sabihin niya sa mukha ko kung anong rason nya bakit gusto niya ako isama.

"Gusto ko ngang kasama ka. Huwag ka ng makulit."

I scoffed. "Sasama ako kung kasama sina Zahra at Dash."

"Are they part of the renovation project?" he asked me seriously.

Malapit na kami sa ikalawang bahagi ng mga model ng sapatos at tanging pagtingin lang ang ginagawa niya habang nakalagay ang parehong kamay sa bulsa. Magkikita kami nina Mama sa Toy Kingdom dahil naghahanap sila ng laruan para kay Charlie.

"Hindi."

He smirked. "So that means hindi sila pwedeng sumama."

"Ah, kasama pala sina Sir Richard at Emil?"

Umiling siyang nakangiti na dahilan para tumaas ang dugo ko.

"Hindi rin."

"Tangina, ano tayong dalawa lang?!" nagpipigil na inis kong tanong.

Natatawa siyang napalingon sa likod dahil may salesman na sumusunod sa amin. Napatingin din ako sa lalaking naka-full suit at ramdam ko ang pangingisay ng katawan ko dahil ngumingiti siya sa akin.

"I told you... I can do anything, Nate."

"I can also do something para hindi makasama. Huwag mo 'kong hahamunin."

Umalis ako sa tabi niya na nagdadalawang-isip kung iwawagas ko ba ang mga bags na naka-display sa harap ng entrance. I was about to be furious if I will kep myself there kaya mas minabuti kong umalis na lang.

Malaki na siya kaya niya na mamili ng kung anong gusto niyang bilhin!

Bago pa kami maghiwa-hiwalay nina Mama ay nagpipigil na ako ng inis sa kanya. Lalo na nung magpaalam pa siya sa magulang ko na kung pwede niya ba ako isama sa plano niyang pumunta ng Boracay.

Magdadalawang buwan na kaming magkasama pero kahit isang bees ay wala siyang nabanggit sa akin na meron siyang plano magbakasyon sa ibang lugar, at sinakto niya talagang sa birthday niya pa.

Hindi ko natanong kung isasama niya ba sina Mindy at Aiah but regarding on what he told me about having Zahra and Dash was an obvious answer na hindi niya rin isasama ang mga kaibigan niya.

Pumila ako sa isang ice cream stall malayo sa nilabasan kong store upang kalmahin ang nag-iinit kong utak, kahit na kakatapos ko lang kumain ng halo-halo sa restaurant na kinain namin.

He is pissing me off because it's too random to invite me on his solo vacation. Dahil ba sa gusto niya ako ay gusto niya na rin ako makasama? Where was the distance that I asked for? Nakalimutan niya na ba?

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now