It is such an awkward thing to share a bed with him, especially since we are grown-ups now. We are adults now compared to what he said earlier, na noon naman daw ay lagi kaming magkatabi.

Totoo naman, naalala ko bigla na kahit pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay pinapatulog kami ng Lola niya ng sabay kasi para raw tumangkad kami. We are both little kids that time, walang kamuwang-muwang.

Kung minsan naman ay sa amin siya matutulog kasi pinagalitan daw siya ni Tita-Nang at kapag nangyayari 'yon ay si Mama at ako lang ang tanging nalalapitan niya.

Natapos kami kumain ng dinner na wala ako halos masaydong naikwento dahil sa hindi diretso ang takbo ng isip ko. Hindi naman iyon nahalata nina Mama at Tita-Nang because they took a time to enjoy the food habang nagkukwentuhan.

"Magsabi ka lang kung ayaw mo matulog katabi si Conrad, Nate. Sa sofa na lang daw matutulog ang Papa mo para maging klaro ang isip mo," ani Mama habang pinapakain ko sina Lily at Lime sa loob ng kwarto ko.

"Sanay naman na po kayo na bigla na lang tatabi sa inyo si Lily, 'no?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Buti hindi sila nilalamig dito, huwag mong kakalimutan na ilabas din sila pagminsan. Kahit diyan sa terrace," saad niya.

I nodded twice after facing her.

"Lagi naman po, Ma, kasi hindi rin pwede na hindi sila makalanghap ng sariwang hangin. Kapag lumalabas po si Conrad para mag-gym o kung saan man siya pupunta, doon ko sila pinapalabas at dinadala sa terrace."

"Magkatabi nga kayo ni Conrad matulog ngayon?"

I turned my head at her before creating a small smile. "Opo, Ma. Nakakahiya naman kasi kung sa katabing unit ako matutulog, hindi pa nga yata napapalinisan doon. Naninibago lang siguro kasi matagal na 'yung panahon nung huling magtabi kami matulog."

"Natutuwa nga kami ni Mina sainyo. Pakiramdam ko lumalapit na ulit ang loob mo sa kanya, hindi katulad noong kasal ng Ate Carm mo na halos sumabog ka sa galit dahil sa naroon siya."

Bumuntong hininga ako sa narinig at pansin kong nasa labas si Papa kasama si Tito Luke na nag-paplano pa yatang mag-inuman ngayong gabi.

"Siguro hindi na ako galit sa kanya ng bongga, kasi... halos dalawang buwan na kami magkasama at lagi kong nakikita sa kanya na nagsisisi siya sa nagawa niya sa akin."

Nahinto ako ng biglang pumasok sa isip ko 'yung gabing hinalikan niya ako rumaragasang ulan. I looked at her and I stopped thinking because she is reading my mind.

"Nahinto ka... nag-away ba kayo?"

Umiling ako at palihim na ngumiti. "Ah, hindi po, Ma. Inaantok na po 'yata kayo, mauna na kayo matulog o baka magkukwentuhan pa kayo ni Tita-Nang?"

Mabilis siyang tumawa bago sumagot.

"Oo. Hindi natatapos ang kwentuhan namin kapag magkasama kaming dalawa. Kahit sino na lang ang chinichika niya at sa tagal naming magkasama ay nasanay na lang din ako," malakas niyang tawa.

Nakakahawang tumawa si Mama kaya hindi ko rin napigilan ang sumama sa tawa niya. Hindi kami nagtagal sa loob ng kwarto dahil bigla siyang tinawag ni Papa, may lulutuin pa pala siya na magiging pulutan nila.

Hinayaan ko muna ang sarili ko sa loob ng kwarto upang patayin ang oras na maaring makasama ko si Conrad ng matagal sa taas. I spent on playing with Lily and Lime dahil hindi ko sila makakasama matulog ngayong gabi.

Nang maisipan kong pumunta na sa taas dahil tinatamaan na rin ako ng antok ay nagkaroon pa kami ng kaunting usapan ni Tita-Nang sa sala. Akala ko rin ay makakatakas na ako kay Papa ngunit nanatili pa ako ng halos isang oras sa terrace kasama si Conrad at Tito Luke upang ubusin ang isang bote ng Alfonso.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now