Huminga ako ng malalim habang mag-isang nakaupo sa table. Binuksan ko lang ang cellphone ko at inilagay sa ibabaw para kunwari ay may tinitngnan ako rito kahit lumalayag naman talaga ang isip ko.

This might be his first move. Nangangati na siguro siyang makuha ako kaya gumagawa na siya ng paraan upang manghina ako.

At ang inaakala kong pagdating namin sa unit ay magiging maayos na ang pakiramdam ko dahil sa mayayakap ko na ang dalawa kong pusa ngunit isa na namang pangyayari ang dahilan para magmura ng malutong.

"Ito 'yung susi ng isang unit sa 5th floor, pumunta na lang kayo mamaya kung mananatili pa kayo rito. I'll get some sleep, basta siguraduhin niyong dalawa na nandito kayo mamayang dinner kasi magluluto ako."

"Mina, na-check naman namin 'yung kama at malaki naman. Baka gusto ni Nate ang tumabi sa amin ng Papa niya." Si Mama matapos isara ang pinto ng kwarto ko.

Sinabihan ko sila ni Papa na bilisan lagi ang pagsara ng pinto kasi baka makalabas ang dalawa. Lalo na si Lily na sobrang bilis tumakbo.

"Ma, hindi po tayo kasya diyan. Sobrang likot kaya ni Papa matulog," nagpipigil na tawang sabi ko at tumawa rin siya. Lumingon ako kay Tita-Nang at pinigilan kong tumingin sa lalaking inabutan niya ng susi. "Doon na lang po ako sa kabilang unit... kasama si Conrad."

"Sige, anak. Nakakatuwa, nagiging close na ulit siguro kayo, ah?!"

Tumawa si Tita-Nang at tinapik ang balikat ko. "I told you, Lisa! Nagkakamabutihan na sila. Natutupad na rin ang matagal kong hiling sa Panginoon!"

Sabay kaming tumawa sa pagbibiro ng babae kahit sigurado akong noon pa man na bumalik ang anak niya ay pinagdadasal niya na ito.

Masasabi kong nagkakamabutihan na kami ni Conrad but if he keeps doing his shit without me knowing, baka mas lalo pa akong maimbyerna sa kanyang lalaki siya! Nakakainis! Sobra!

Parang mawawalan ako ng matress sa sobrang stress ko sa kanya! Over!

Tahimik akong nakasunod sa kanya papunta sa elevator upang pumunta sa magiging pansamatalang unit namin. It's on the 5th floor and I have not been there since nung tumira ako rito sa residence, pero alam ko ay may isa pang unit sina Tita-Nang.

"Nasaan 'yung isang unit niyo? Hindi ba tatlo 'yung pag-aari niyo rito?"

"Actually, anim. Tatlo kay Mom and Dad tapos tatlo rin kay Ate Carm. May nagre-rent lang doon sa tatlong unit ni Ate Carm kaya hindi ko maipakita sa 'yo."

Pinindot niya ang button ng ikalimang floor at mabilis lang naman ang pag-akyat kaya segundo pa lang ay nakarating na kami sa hallway.

"Pero 'yung ikatlo katabi lang ng unit na pupuntahan natin but I'm not sure if napalinisan ba ngayong araw. We can ask it with Mom. Doon mo ba gusto matulog?"

"Kapag feeling ko hindi ko kayang matulog na katabi ka," diretsong sagot ko.

Narinig ko ang pagtawa niya habang papalapit kami sa pintuan ng unit. The design of the door were looks exactly the same ng nasa baba at natawa ako ng kaunti dahil ngayon ko lang napansin na pareparehas pala ang pintuan ng mga unit dito sa tower.

Napasinghap ako ng tuluyan na akong makapasok sa loob dahil sa amoy nitong nagustuhan agad ng ilong ko. I see a complete set of a home appliances inside like what I just saw the first time I enter the unit in the fourth floor.

Kung ikukumpara ko ang space nito doon ay mas malaki iyon kumpara rito. Nahagip naman ng mata ko ang kusina na sobrang hindi naglayo sa kung ano ang meron doon sa baba. Halatang iisa lang ang may-ari.

"Ikaw na mauuna maligo o sunod ka na lang sa akin?"

Napalingon ako sa kanya. "Sana napalinis sa kabila."

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now