I've been working so hard for a month. Kahit hindi ito ang forte ko, unti-unti ko nang nagagamay. And Conrad always finds time to guide me lalo na ngayon ko lang napagtanto na baka lagi siyang nariyan dahil may personal din siyang dahilan. May pabor din para sa kanya.

"Ready to deliver na po, Tita-Nang, 'yung ibang furniture na tapos na sa shop sa San Juan City," sabi ng isang worker. "Nakausap na rin po namin 'yung owner nakung puwedeng doon muna ilagay 'yung mga gamit since ngayon lang po na-ipresent 'yung final placement."

Marahang tumango si Tita-Nang sa loob ng screen ng laptop ko. Mula sa kaunting ngiti niya, kita kong gusto niyang maging hands-on pa rin sa lahat.

"Gusto kong makita 'yung mga furniture na pinagawa ng anak ko. Are you both confident that they will fit in beautifully in the place?"

"Yes po, Tita," sagot kong sigurado.

Bumaling ako sa lalaking tumitipa ng cellphone sa tabi ko. Pansin kong nakatingin sa kanya si Tita-Nang, parang hinihintay ang sagot niya.

"Are you feeling okay, anak? Conrad?"

Conrad blinked as if pulled back into the moment. Napatingin siya sa screen, then sa akin, before answering.

"Yeah, Mom. I'm okay," he said, forcing a small smile. "Just checking something sa logistics. Pero everything's good."

"Both I and your Dad already have a one-way ticket to Manila. We will be there on Saturday," nakangiting banggit ng babae at diretsong nalaki ang mata ko.

"No way? Really?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Conrad at nang tumango si Tita-Nang ay hindi ko alam kung ano ang lumitaw na reaksyon sa mukha ng lalaki.

But when he looks at me, I suddenly feel like his stare squeezed something inside me. Umiwas ako ng tingin dahil parang nailang ako bigla, at bumaling na lang ako sa screen upang batiin si Tita-Nang na natutuwa akong makikita ko siya ngayong darating na Sabado.

I don't know exactly how to react! My throat is starting to dry, and not because I am nervous to see her, but because something terrifying happened between me and her son. I'm sure Conrad won't tell her about it, but still... ang weird.

We kissed. And we're both pretending nothing happened.

Lalo na't isa si Tita-Nang sa mga umaasang magkaayos kami ng anak niya.

"Hey..."

Kaka-off lang niya ng laptop, at agad siyang tumingin sa akin. Like he was waiting for a cue.

Umiling ako ng mabilis. "Huwag Conrad. Don't tell her about what you feel towards me. At huwag susubukang sabihin 'yung ginawa mo nung Sabado."

"H-hindi ko naman sasabihin, Nate," malamig pero malumanay niyang sagot. "Bakit parang galit ka?"

"I'm not mad," I answered quietly, tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. "Baka nabigla lang ako. Pero masaya akong makikita ko siya ngayon, at maipakita sa kanya 'yung pinaghirapan natin dito. Kaya kalimutan mo na lang siguro 'yung nangyari sa atin."

"I won't forget that." He smiled, soft but stubborn. "I kissed you. And that was the best thing that happened to me recently."

Huminga ako ng malalim. I ran my tongue lightly across my upper lip, buying myself a second before answering.

"It wasn't, for me."

There was a long pause.

"I like you, Nate..." he confessed, his voice softer this time and almost unsure.

"Sigurado ako na after nito ay mawawala na 'yang nararamdaman mo. It's just an infatuation, Conrad o baka trip mo lang 'yan. Lakas naman ng trip mo," mahina akong tumawa.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now