"Hey, hey. Slow down. Is everything okay? Ang bilis mo magsalita," natatawang sabi niya.

Tumingin ako sa kanya habang inuusog ko sa sulok ang inupuan ko. Napahinga ako nang malalim bago tumango.

"Oo naman. Toothbrush lang pala muna ako," paalam ko.

Wala akong imik nang tinalikuran siya. Sa bilis siguro ng paglakad ko, wala na akong narinig pa mula sa kanya.

Naguguluhan ang utak ko dahil sa bigla kong pag-alala sa nakaraan namin. Hindi naman talaga 'yon maiiwasan, lalo na kung magbibigay siya ng mga alaalang magpapaisip sa akin.

Katulad no'n. Inaakala kong mahirap balikan, pero sa isang pitik, pumasok siya bigla sa utak ko at gumuhit ng imaheng magpapaalala kung gaano kami kadikit noon.

Nagpaalam ulit ako sa kanya nang lampasan ko siya sa kinauupuan niya. Wala pa yata siyang balak pumasok sa loob dahil nakatingin pa rin siya sa TV bago ako pumasok sa kwarto.

Sa haba ng taon naming hindi nagsama, tila lahat ng nangyayari sa amin ay first time. Iba na rin kasi ang taong kasama ko noon nang magbinata ako... kumpara sa taong kasama ko ngayon.

Mas lalong tumalino siya. Bukas na ang utak niya sa lahat ng bagay. Lumala lang siguro ang kayabangan niya.

Humiga ako sa malambot kong kama at wala sa ibabaw ang dalawa kong pusa. But when they noticed I was already inside the room, mabilis silang umakyat sa kama upang tabihan ako.

Kinuha ko si Lily na dumagan sa dibdib ko, at si Lime na dumadantay sa mukha ko. Nakangiti akong inalis ang eyeglasses ko at inilagay ito sa ibabaw ng side table para mayakap si Lime.

"Sobra naman akong na-miss ng dalawang 'to, nasa labas lang naman ako nanood ng movie," tumatawang saad ko.

Both of them meowed in their sweetest voice, another reason for me to hug them more. Kung nga uwede lang, gagawin kong unan si Lily sa kapal ng balahibo niya.

Nagtataka ako kung anong reaksyon nila nung araw na wala pa ako rito at si Conrad ang nagbigay ng pagkain nila.

I asked them, pero puro meow lang ang naging sagot nila sa akin. Pareho silang babae, kaya sigurado akong napogian sila sa lalaki.

Our meeting in the morning started exactly on time. Halos isang oras na rin kaming nakaupo sa tapat ng projector, habang nakikinig sa mga paliwanag ni Sir Richard tungkol sa progress ng renovation.

"I am a hundred per cent sure that before November ends, tapos na ang renovation natin. And by January next year, it's the grand opening of Cucina. Thank you for making this happen, especially sa inyong mga workers." Nahinto si Sir Richard bago malapad na ngumiti sa mga nakaupong lalaki sa harap. "Kung wala ang team niyo, hindi tayo uusad ng ganito."

I shifted my gaze toward Conrad, who was clapping along with the others. Nakaupo siya sa bandang unahan, katabi si Emil na kanina lang ay nagpresent ng final 3D design niya para sa placing ng mga gamit, both sa baba at sa taas. While everyone looked visibly proud and relaxed, Conrad had that same composed face. Calm, but distant. As always.

Napansin kong panay ang sulyap niya sa presentation, pero hindi ko alam kung talagang nakikinig siya. At hanggang ngayon ay patuloy pa rin ako sa paglalagay ng malawak na distansya sa kanya.

Sa naging meeting namin ngayon, nalaman kong mabilis na lang talaga matapos ang project na pinunta ko rito. I could feel how excited I was to be back in my kitchen sa original Cucina. Kahit hindi pa naman ito pulido, ramdam ko na rin 'yung sabik because soon, people will finally get to experience not just our dishes, but our unique way of serving and cooking.

Wala pa ring update kung sino ang magiging part ng Cucina team. Last time, nabanggit ni Tita-Nang na baka siya na lang ang maghanap ng mga professional chefs na puwedeng isalang.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon