"Ah... wala naman. Bukas din pala 'yung meeting natin with Tita-Nang, baka makalimutan mo."
"Sa tingin mo by November, tapos na ang renovation?"
Huminga ako nang maayos. Tinagal ko pa ng ilang segundo bago sumagot.
"Oo. Malapit na nga matapos. Mga gamit na lang ang kulang pero 'yung mga placing nila, tapos na rin. You already agreed to the sketch that Emil proposed to you kaya wala na masyadong iisipin."
Napansin ko ang bahagya niyang pagngiti at pinili kong umiwas ng tingin kaysa panoorin siyang ngumiti sa akin.
"Excited ka na sa opening, 'no?" malumanay na tanong niya.
"Not really. Baka ikaw, since magkakaroon ka na ng second branch. Yayaman ka na talaga niyan."
Magkasabay kaming tumawa. Bumalik ang tingin niya sa pinapanood naming pelikula, patapos na ito base sa mga ngiting nakikita ko sa mga bida. Ako naman, napahinga ng malalim nang marinig muli siyang magsalita.
"Ayaw mo talaga maging Head Chef ng ginagawang Cucina ngayon?"
Umiling ako bago ininom ang natirang tubig sa baso ko.
"Hindi pa nga pwede. Nandoon ka nung sagutin ko si Tita-Nang tungkol diyan, 'di ba?"
"But you said to me that it was your dream, your ultimate dream. Ang maging Head Chef ng Cucina," seryosong sagot niya, kasabay ng kalahating ngiti. "Have you... remember?"
Napakurap ako, hindi ko alam kung bakit. "Oo naman. Pero nung piliin ako ng Mama mo bilang bagong Sous Chef ng resto niyo... parang natupad ko na 'yung pangarap na 'yon. Iba nga lang 'yung titulo, pero parang gano'n na 'yung pakiramdam."
Tumango siyang nakatitig sa akin matapos kong magsalita. Tapos na ang movie, isa-isa nang lumalabas ang pangalan ng cast sa screen, pero hindi pa rin siya tumitingin doon. His eyes were still on me... staring at me.
Hindi siya gaano kalayo sa akin, siguro mga anim na dangkal ang pagitan namin. Kaya mararamdaman mo talaga 'yung kakaiba niyang tingin. And I couldn't fight that stare. Gusto kong sumuko na lang bigla.
"I want you to reach that, Nate. Gusto ko maging Head Chef ka ng restaurant ko kasi 'yon 'yung pangarap natin noon. Head Chef ka, at... ako naman, restaurant owner."
I stopped breathing after I listened to what he just uttered.
I... ruined that dream. Our dream.
May tumutulak sa akin na sabihin 'yon sa kanya, na sinira ko ang pangarap naming dalawa. I already buried those memories. Mga panahong gumagawa pa kami ng vision board kung ano ang gusto namin paglaki.
Gusto ko na talaga noon maging chef. Samantalang siya, iba pa ang plano sa buhay. He dreamed about being a doctor that time. Bata pa naman kami noon, kaya hindi pa siya sigurado. Hindi ko na rin matandaan kung bakit doctor ang pinili niya. Siguro ay meron siyang nakita maganda sa pagiging doctor.
But when I shared my dream of being a chef, pinalitan niya agad ang gusto niya. Iyon ay ang maging owner ng Cucina Eterna.
At isa raw ako sa puwedeng maging Head chef niya.
Nanuyot ang lalamunan ko nang biglang sumagi sa isipan ko ang mga ala-alang matagal ko nang binaon sa limot.
"Nate... I'm asking if you want to watch some movies again."
Lumingon ako sa kanya at mabilis na umiling.
Tangina. Natulala pala ako, 'di ko alam.
"Hindi na siguro. Inaantok na ako. Ikaw na lang kung may gusto ka pang panuorin. Good night," diretsong sabi ko.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 26
Start from the beginning
