Mahina akong tumawa at nagpipigil akong huwag lakasan ito dahil nakakatawa ang naging reaksyon niya. He looks like a baby! Para siyang toddler na inagawan ng laruan sa postura niya. Dinaig niya pa si Charlie!

When the movie started in the first half we were both focused on it. Sinusubukan kong huwag magpadala sa imahe niyang pilit na sumasagi sa mga mata ko. Kahit parang bawat segundo ay gumagawi ang atensyon niya sa pwesto ko na tila may binabantayan siya.

"Gusto mo ng makakain? I'll order some snacks if you want," aniya na naging dahilan upang bumaling ako sa kanya.

"Kahit chichiriya na lang, meron pa yata tayong stocks sa cabinet. Wait— kukuha ako."

"Hindi, ako na," he volunteered when I was about to stand up. "Upo ka na lang diyan, pause mo muna para makasabay ako. Medyo na-hook ako sa movie," nakangiting tugon niya.

I nodded without looking at him because I suddenly looked for the remote na nakalimutan ko bigla kung saan ko naipatong. Nang mapindot ko na ang pause ay akala ko'y lumagpas na siya sa kung saan ako nakaupo ngunit tuluyan akong nagulat nang bigla niyang kurutin ang kaliwang pisngi ko.

He chuckled with success. "Sa wakas! Nakurot din kita," asar niya.

Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin ngunit parang naghahabulan ang tawa at inis sa dibdib ko sa kung ano ang unang magiging reaksyon ko. Humahalakhak siyang lumapit sa sink dahil sa ibabaw no'n ay cabinet naming puno ng stocks ng pagkain.

Napailing ang ulo kong tinalikuran siya upang kalimutan ang ginawa niya. He was aiming to pinch my cheeks since then at alam kong masaya talaga siya lalo na't pakiramdam ko ay gustong-gusto niya na iyon gawin.

Hindi naman big deal sa akin kurutin ang matataba kong pisngi, kahit si Kuya at si Papa ay hilig nilang kurutin ang pisngi ko. Lalo na si Kuya Nelvin, sobrang kapal ng kalyo no'n kaya minsan namumula ang bakas ng daliri niya sa pisngi ko.

Also, Randy. Habit niya akong kurutin lalo na nung maging official kami.

No, I don't miss him. Naka-move on na kaya ako!

"Sorry sa pagkurot ko kanina, cute kasi. Hindi ko na napigilan. Masakit ba?" nahihiyang tanong niya matapos umupo.

Kakaabot niya lang sa akin ng binuksan niyang chichirya at napansin kong mas malaki ang Piattos ko kaysa sa kinakain niya. Cheese flavor 'yung sa akin, samantalang sa kanya ay sour cream.

"Ngayon mo lang tinanong? Paano kung masakit?"

He smirked. "Iki-kiss ko."

"Seryoso ka? Nababaliw na ang punyeta."

"Punyeta talaga," he mocked me before laughing.

Gusto kong mahawa sa tawa niyang parang kinukuha ako. Wala akong naramdaman na nakakatawa sa paggaya niya sa sinabi ko, pero watching him burst into laughter ay hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanya.

Napagtanto ko bigla na kakaiba siya ngayong gabi. Ang hyper niya masyado, kumpara kahapon na abala siya sa restaurant at sa klase niya. He doesn't have a class this morning kaya nakapag-focus siya kanina sa restaurant, at baka bumabawi siya ngayon sa pagod.

Nagpatuloy na muli kami sa panonood. Kakaupo ko lang din matapos kumuha ng malamig na tubig. I even gave him some kasi nakalimutan niyang kumuha. Inabante niya lang sa tapat ng sofa ang foldable table na ginagamit niya kapag may klase siya.

"May meeting pala tayo bukas ng umaga with the team."

I glanced at him pero siya ay nakatutok sa pinapanood namin.

"Wala kang pasok bukas?"

He shook his head before looking at me. "Wala naman po. May gusto ka bang puntahan after meeting?"

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now