I just noticed that he is wearing a plain black T-shirt at green na below-the-knee shorts. His skin looks more whiter with his black shirt.

"Pinakain ko na si Lily at Lime ng pagkain. 'Yung canned tuna. Tig-isa silang dalawa and don't worry, I read the instructions before feeding them pero nakikita ko naman na 'yon ang lagi mong pinapakain sa kanila."

Nahinto ako sa paghinga ng dahil sa narinig ko.

"Ikaw? Hindi ka ba nangati?" biglang tanong ko.

Mabilis na umiling ang ulo niya bago ako lumapit sa pintuan ng kwarto ko upang silipin sina Lily at Lime.

"I wore a mask and gloves, 'yung kapag nag-huhugas. Hindi naman ako nakaramdam ng pangangati," ngiti niya.

Nahihiya akong binuksan nang marahan ang pintuan at nakita ko agad na nasa tabi lang mismo ng pinto ang lagayan ng pagkain nila. Nung humuni ako sa pagtawag sa dalawa ay lumapit agad ito akin upang yakapin ako.

Then I just felt what I had been desperate for since last night. Nag-aalala rin ako kanina bago matulog sa dahilang bigla ko silang iniwan dito kagabi, na kahit gusto ko mang tumagal pa sa lugar ni Dash ay inisip ko ang mga pusa ko.

Napansin kong lumapit si Conrad banda malapit sa gawi ko at nang lingunin ko siya ay may kakaibang ngiti ang labi na meron siya ngayon. He is watching me hugging Lily while rubbing Lime's fur on my lap.

"Thank you... sa pagpakain sa kanila."

Ngumiti siya bago tumango. "No worries. Maybe I should start to learn to feed them even if I had cat allergies."

"Kahit siguro huwag na. Hindi mo naman kailangan," tugon ko.

"Gusto ko."

He stared at me as he responds that. Parang proud pa siya sa sagot niya na pwedeng maglagay sa kanya sa kapahamakan. Umiling ako upang maiwasan ang tingin niya pero nag-init bigla ang paligid ko dahil humakbang siya ng kaunti papunta sa akin.

"I'm sorry... a-about last night, Nate. I can explain if you want me to."

Nilapag ko si Lily sa loob ng kwarto ko at mahina ko ring tinulak si Lime papasok, at nang masigurado kong nakapasok na ang dalawa ay mabilis kong pinihit pasara ang pinto.

"Imposibleng ikaw naman ang may gusto sa akin ngayon?" diresta kong tanong sa kanya.

His eyes widened, caught. Napalunok siya na tila gusto niyang tumakbo sa dahilang may gusto siyang aminin sa akin. He blinked slowly like my words landed somewhere deeper than they should've.

I couldn't stop looking at him. I couldn't stop remembering. Kung paano ako nabasa ng todo ng dahil sa hinila niya ako sa gitna ng ulan. The weight of his hands on the back of my neck. The tremble of his lips right before he kissed me.

"Nate," he said finally using his low voice, almost careful. "Hindi ko rin maintindihan noong una. Pero... oo."

Nahinto ako.

"Gusto kong pigilan, gusto kong alisin dahil magagalit ka kapag nalaman mo pero hindi ko na kaya..."

I breathe, "Alam mo naman palang magagalit ako. Nung gabing inamin ko sa 'yo ang totoong nararamdaman ko ay doon ako nagsimulang manliit. I built the person who I am become right now... pero tangina, ginawa mo rin 'yung ginawa ko noon at hindi ko man lang naisip na saktan ka."

"Hahayaan kitang saktan mo ako ngayon, Nate. Bugbugin mo 'ko, suntukin mo 'ko. Kung ayan talaga ang tanging para kahit papaano ay mabawasan ang galit mo sa akin," malungkot na boses niyang sabi.

Parang may humigpit sa dibdib ko. I know how much I wanted to disappear right now in front of him. But most of all, I wanted to believe him and that was the most dangerous thing of all.

Tumingin ako sa kanya ng diretso at napagtanto kong gano'n din pala siya sa akin. He was waiting for me to look at him but I hated how sincere he looked.

"Hindi naman gano'n kadali 'yon, Conrad."

"I know," he said. "But I am willing to help you, Nate. Kung gusto mo makalaya sa nakaraan natin, tutulangan kita," aniya.

"Paano ka tutulong kung ikaw mismo 'yung dahilan kung bakit ako nahihirapan?"

He stopped breathing when I asked it, hindi rin agad siya nakasagot subalit napayuko siya sa hiya ng marinig ang tanong ko.

"If you really want to help me... dumistansya ka lang muna sa akin." Umangat ang tingin niya sa akin na tila hindi gusto ang sinabi ko. "Our project was still on-going at hindi ko kakalimutan 'yon. I just need some space... could you give that to me?"

"Hindi ko kaya," he said, shaking his head slowly as if the idea itself hurt. "Nate... hindi ko kaya."

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kahit kakahawak ko lang sa dalawang pusa ko kanina ay nagulat ako ng kunin niya ang pareho kong kamay upang pisilin ito.

"Hindi ko matitiis na araw-araw kang malayo sa akin kahit nandiyan ka lang naman. I love talking to you, Nate. Kaya hindi siya okay sa akin. And thinking about distance? It's worse than silence."

"Conrad..." I started, unsure what I was even trying to say.

"I know I messed things up," he continued, voice low, "pero huwag mo naman akong itulak ng tuluyan. Nate, if you really don't feel anything anymore, kahit kaunting—"

"Stop," I cut him off, swallowing the tightness in my throat. "Hindi mo ako naiintindihan."

He looked like he was about to say something, but I stepped back.

"Please," I whispered, eyes burning. "Just let me have this space. Let me figure things out without you standing so close. Kahit ngayon lang, naguguluhan pa rin talaga ako."

For a moment, he didn't move. He just stood there in front of me at marahan kong ikinalas ang pareho kong kamay sa kanya na tila nagiging komportable na sa kanya. I never held his hands like this ever since he left at ngayon na nahawakan ko ulit ito ay ramdam ko ang paninibago sa dibdib ko.

It was soft and still gentle. Sobrang nakakapanindig balahibo.

"Sige," he said softly. "I'll try. Pero hindi ko ipapangakong madali. Kasi ikaw 'to, Nate. Ikaw talaga, eh."

Hindi niya ako hinintay magsalita ngunit bigla siyang tumalikod upang maglakad papunta sa kwarto niya. And for the first time in a long while, I didn't feel victorious for getting the last word.

And when he finally entered his room, I just thought immediately that he wasn't the boy who left me.

He was the man who came back, with guilt in his hands at ang nakakakaba ay meron na itong gusto patunayan sa akin.



Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon