Sunday ngayon at posibleng hindi iyon aalis sa unit, lalo na kung iniisip niya pang uuwi ako. Depende na lang kung may ganap siya ngayon but based on his messages, naghihintay siya. He is waiting for me.

"Kung ako lang naman, kausapin mo na. Para ma-klaro na rin ang utak mo, kung aamin man. Ikaw bahala kung anong gusto mo mangyari."

"Hindi ko alam," tulalang tugon ko.

I wasn't looking at him right now, kundi sa pagkain na nasa harap ko.

"Naguguluhan ako na dapat hindi naman talaga."

"Na ano?"

Umangat ang mata ko sa kanya. "Hindi ko alam. Patigilin ko na lang ba siya sa kung anong nararamdaman niya?"

"Hindi mo bibigyan ng chance?" diretsong tanong niya na nagpatigil sa akin.

"Dash, I hate him, right? Paano ko bibigyan ng pag-asa 'yung taong kinalimutan ko na? Tangina. Kung totoo man na may nararamdaman siyang kakaiba sa akin, bakit ngayon pa?"

"Kasi ayaw niya na siguro patagalin pa. He doesn't want you to be with someone else, kaya posibleng tama ang hula namin noon ni Zah na baka nagseselos siya sa akin kasi may nararamdaman na siya sa 'yo."

I know that all of the words that came out of his mouth were the ones that I can rely on. Hindi ko naman sinasabi na walang kwenta si Zahra kapag mga ganitong usapan dahil kahit papaano ay nakakausap ko naman siya ng matino.

But when it comes to Dash. He will make you think deeper and decide better na masisiguro kong maganda ang kalalabasan. Kaya laking pasasalamat ko na lang na kahit minsan ang pranka niya may natututunan din ako sa kanya.

I decided to book a Joyride because I don't want to interrupt Dash by giving me a ride to our residence in Taguig. Sayang pa ng gas niya at bababa pa siya sa parking basement para lang kunin ang sasakyan niya.

Nakarating ako sa residence ng may mainit na namumuo sa dibdib ko at sa pagpindot pa lang ng floor number sa elevator ay ramdam ko ng hindi ako mapakali. Lalo na't mag-isa ako sa loob. If a scream is one of the choices just to lessen how nervous I am, I'll probably do it pero dahil may CCTV akong nakikita ay baka magmukha akong baliw sa kanila.

Nang maabutan ko na ang pinto ng unit na tinutuluyan ko ay hindi na huminto ang panginginig ng mga kamay ko, nagmumukha akong gagawa ng surgery sa kabang naguumapaw sa akin.

"N-nate..."

As he opened the door for me because he possibly heard that I knocked, I saw how glad he was dahil ako ang bumungad sa pinto. Maliit siyang ngumiti at gumilid upang buksan nang maayos ang pinto para makadaan ako.

"Nagluto ako ng chicken curry. Kumain ka na ba? Kumain ka muna bago matulog ulit."

Hindi ako lumingon sa kanya sa dahilang nilalagay ko ang sapatos ko sa shoe rack namin. I swallowed without looking at him.

"Kumain na ako bago umalis sa unit ni Dash."

"Saan siya nakatira? Malapit lang ba dito?"

I shook my head not facing him again. Ang bastos ko tingnan pero hindi ko kaya tingnan ang mukha niya.

"No, sa Muntinlupa. Bakit?"

Huminga ako ng malalim at tila mapupunit na ang bag kong pinatuyo ko kanina sa terrace sa higpit ng pagkakahawak ko.

"Malayo pa pala. Dapat sinabi mo para masundo kita," aniya.

"May sasabihin ka pa ba?"

Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ako ng lakas na loob na tingnan siya. He is standing behind the refrigerator. Malapit sa pintuan kung saan niya ako pinagbuksan. I know that he was waiting for me na tingnan siya dahil diretso siyang nakatingin sa akin.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now