"Hala si gaga? Ang sabi ko, baka noon pa gusto ka na niya at kaya umalis siya kasi hindi niya maamin. Baka ngayon niya lang talaga nailabas ng bongga 'yung nararamdaman niya sa 'yo."

Umiling agad ako.

"Hindi, Dash. Nakita ko kung gaano siya kagalit after ko siyang halikan, kaya imposibleng 'yan ang dahilan. At isa pa," nahinto ako bigla ng maalalang may nagustuhan siyang katulad ko nung college siya. "Meron siyang... nagustuhan na katulad ko noon. Nung nag-aaral pa siya as college."

Lumaki ang mata niya sa narinig.

"So basically..."

"Straight pa rin siya. Tigilan mo 'yang iniisip mo." Minulatan ko siya ng mata at mahina itong tumawa. I knew what he was thinking. "Baka bigla niya lang nagustuhan 'yon... pero minahal niya rin daw, eh."

"Nagselos ka rin ba?"

I let out a small laugh and instinctively rubbed the tip of my nose.

"Girl, move on din siguro tayo minsan? Matagal ko na siyang inalis sa buhay ko kaya wala na rin akong pakialam sa kung sino ang gusto niya o gugustuhin niya."

He smirked. "Eh pa'no ngayon? Ikaw na ata 'yung gusto?"

My face instantly shifted at pinigilan kong tumawa kahit pakiramdam ko ay sasabog na ako sa tuwa. Ngumuso ako ng kaunti at pabirong kumunot ang noo habang nakatingin sa kanya.

"Tigilan mo 'ko! Hindi pa nga tayo sigurado diyan."

"Si manhid naman. Teh, hindi ka hahalikan no'n kung wala 'yong nararamdaman sa 'yo. Just be ready if you really want to talk about happened kanina sa inyong dalawa kanina," ngiti niya.

Napailing ako ng maisip na kaunting oras na lang ay sisilay na muli ang umaga at makikita ko na rin siya. Hindi ko pwedeng sabihin na dito muna ako tutuloy kay Dash dahil masyado naman akong nagpaapekto sa halik niya.

But it did. It affected me more than I wanted to admit. Sobrang naapektuhan ako sa nangyari dahil minuminuto ay natutulala na lang ako bigla.

Malapit na magtanghali akong nagising sa malambot na extrang kutson ni Dash. Sobrang lamig pa ng aircon kaya napasarap kahit papaano ang tulog ko. I decided to checked my phone before going out the bed and I received a missed calls from Zahra.

And of course... from him.

Wala si Dash sa maayos at mabango niyang kama nang magising ako. Inayos ko rin ang pinaghigaan ko bago lumabas ng kwarto at kinuha ko ang remote ng aircon sa ibabaw ng side table niya malapit sa bintana upang i-off ito.

"Tumawag si Zahra sa 'yo? Ang dami niyang tawag sa akin," kinakamot ang kaliwang matang tanong ko habang papalapit sa kusina niya.

Napansin kong nagkakape siya habang nag-ba-browse sa cellphone niya at ng marinig ako nito ay humarap siya sa akin.

"Oo. Nagtanong kung anong nangyari sa 'yo at bakit ang dami mong tawag sa kanya kanina."

"Anong sinabi mo?"

"Sinabi ko na nakitulog ka lang muna sa akin. Wala ako sa posisyon para sabihin 'yung nangyari sa 'yo kagabi," he smiled.

Bahagya akong ngumiti at lumapit lalo sa kanya.

"Ang bait mo naman talaga! Thank you, Dash!"

"Toothbrush muna tayo, 'nak bago mag-talk!."

Sinamaan ko siya ng tingin bago siya tumawa. "Ang kapal ng mukha mo!"

Humalakhak siya habang papalapit ako sa lababo niya na biglang nagpaalala sa akin ang unit na tinitirhan ko ngayon kasama si Conrad. I am brushing my teeth while having a battle between my mind and my heart, kung uuwi na ba ako para makausap siya o magpapatagal ako rito hanggang gabi na kung saan matutulog na lang siya.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ