In a few seconds, I already received a few reply from him. Naisip ko na hinihintay niya siguro akong sumagot buong oras.


From: Unknown Number

thank, god! i thought something happened to you, nate

sobrang nag-aalala ako...

pwede kitang sunduin bukas diyan?

magtatagal ka ba diyan?

message ka, please?

thank you for answering my messages, nate


Tulala ako ng maramdaman kong pinaandar na ni Dash ang sasakyan niya at alam kong pansin sa aking mukha na meron akong malalim na iniisip. Desidido akong huwag na mag-reply sa kanya because I already clear his mind by responding his messages.

Sana okay na 'yon para maisipan niya ng umuwi at hindi ko pa makayanan ang makita siya matapos ang nangyari.

Nasa gitna kami ng byahe nang sabihin ni Dash na may kalayuan ang condo niya. Located pa ito sa Muntinlupa kaya pinili ko muna matulog dahil ramdam niya rin na hindi ko muna gustong pag-usapan ang tungkol sa amin ni Conrad.

Napahapyawan ko naman na siya kanina. I just need to rest, kahit ilang minuto lang. Pakiramdam ko kasi ay napuno ng tubig-ulan at tanong ang laman ng utak ko.

"Ang linis ng kwarto mo?" birong tanong ko.

"Sa place niya ako tumuloy kanina, pasalamat ka sa Taguig lang siya nakatira," tumatawa niyang sagot.

Mula sa labas ay marahan kong sinarhan ang pinto ng kwarto niya dahil parang hinihila ako nitong matulog na but I need to change my clothes. Baka magalit sa akin si Dash kung bigla na lang akong hihiga sa kama niya. Pinahiram niya ako ng maluluwag niyang damit because we don't have the same body type.

May pagka-muscular ang katawan niya samantalang sa akin ay malaman. Chubby. Nagmumukha tuloy akong bata dahil sa basang-basa ang lahat ng suot ko.

This is my first visit in his condo, nakukwento niya na sa akin itong tinitirhan niya but I never saw this personally. Nakatira din siya sa isang condo residence katulad ng condo ni Tita-Nang ngunit hindi ito mas magarbo kumpara doon. But I can see from the terrace that this has a nice space and view from the outside.

Nauna akong maligo kay Dash dahil aayusin niya lang daw ang isang kutson na tutulugan ko. Tahimik kong binuksan ang heater at ng tumama sa akin ang tubig mula sa shower ay napahinga ako ng malalim.

Like I was being untied from the rope of thoughts that I was holding to since I got here. Hindi ko inaakala na sa maligamgam na tubig ko makakalimutan ng paunti-unti ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

Pero hindi umaalis ang imahe niyang gusto ako kausapin bago ko siya takbuhan kanina. Masydong okupado ang isip ko kanina kaya mas ginusto kong takbuhan siya but there is something in me that wanted to know the reason why he felt jealous after he saw me with Matt.

Gusto kong isipin na baka siya naman ang may gusto sa akin ngayon pero paano nangyari 'yon?

"Baka noon pa gusto ka na niya, kaya bigla lang siyang umalis. Kasi may nararamdaman na rin pala sa 'yo."

"Hindi ko gets," naguguluhang saad ko.

Napakamot siya sa kaliwang banda ng ulo niya at tiningnan ako ng mabuti. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang puting damit at ako naman ay oversized shirt na nude color. Ang pang-ibaba ko ay wide-leg pajama samantalang siya ay short na itim.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora