"No... walang kinalaman si Matt dito," panimula ko.

He was staring at me like he was ready to listen.

"C-conrad kissed me..."

Kumunot agad ang noo niya. "Huh?"

"Hinalikan ako ni Conrad. Nung bumaba kami kanina ay nakita niya kami na magkasama at nang naabutan naming umuulan sa labas ay sinabihan ko si Matt na hihintayin ko siya sa tabi ng main door hbang kinukuha ang motor niya," saad ko. Napalunok ako upang alalahanin ang nangyari kanina. "And he saw me. Hinila niya ako bigla at bago niya ako halikan ay sinabi niyang, nagseselos daw siya."

"Did you punch him?"

Agad akong umiling, "Tinakbuhan ko agad siya pagkatapos ko siyang itulak."

Huminga siya ng malalim na tila hindi alam kung ano ba dapat ang sabihin. Nawala na rin ang pagkunot ng noo niya na biglang pinagtaka ko dahil siguro klumaro na ang isip niya samga sinabi ko.

"I don't know what to say. Nakakagulat. Would you be mad kung may kaunting kilig akong nararamdaman?" ngisi niya.

"Ewan ko sa 'yo! Maging seryoso ka naman, oh. Sa unit mo muna ako matutulog ngayon, gusto ko munang makapag-isip."

Nahinto ako magsalita nang biglang may tumawag sa cellphone ko na nasa ibabaw ngayon ng table. I thought it would be Zahra pero unknown number ang nakalagay sa screen. Wala akong reaksyon na tiningna si Dash na nagpipigil ng tawa.

"Tumatawag siya," ani ko.

Dash peak at my phone. "Siya 'yan? Ayaw mo sagutin?"

Napakurap ako ng ilang beses bago umiling.

"Hindi. Pero magte-text ako sa kanya mamaya para hindi siya mag-alala sa akin, baka bigla niyang tawagan sina Mama. Hindi ko 'to naisip kanina nung takbuhan ko siya," natatawa kong saad.

Mahinang tumawa kaibigan ko at bago ko ihanda ang sarili kong umalis ay nakatanggap ako ng sunod-sunod na mensahe mula sa kanya. I know it was him because I don't still have his phone number.


From: Unknown Number

where are you, nate?

answer my call, please? nag-aalala na ako

im sorry. i could explain, nate. sagutin mo lang ang tawag ko

sunduin kita, i am still here in bgc

hahalughugin ko 'tong bgc, nate

baby


Marahang nanginig ang lalamunan ko kasabay ng mga daliri sa parehong kamay ko nang mabasa ang huling mensahe niya.

I didn't stop breathing but it made my body stop from moving. Kahit si Dash ay napansin iyon kaya bigla siyang napatanong kung ayos lang ba daw ako. I didn't show him what's the reason why I acted differently.

Sinabi ko lang na parang nahanginan ako kaya bigla akong nahinto. Sinundan ko siyang naglalakad palapit sa parking space kung nasaan ang sasakyan niya ngunit lumalayag naman ang isip ko kung papadalhan ko na ba ng mensahe si Conrad. What he sent to me was pushing me to think that he might probably do it.

Baka magmukha siyang baliw kung hahalughugin niya talaga 'tong lugar na 'to mahanap lang ako.

Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ni Dash ay tuluyan ng naging klaro ang isip ko na sagutin siya kahit reply lang sa mga messages niya. My fingers was dawdling when I started to type on my screen.


To: Unknown Number

Nandito ako sa unit ni Dash. Umuwi ka na, don't worry about me.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now