I know what he truly meant by that kiss... by that jealousy that he felt. Hindi ko man siya masabi pa ng buo ay alam ko na ang gusto niyang iparating sa akin.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at laking ginhawa sa pakiramdam ko ng hindi ito nabasa kasama ng wallet ko. After I checked my cash inside ay naisipan kong pumasok sa loob upang bumili ng pwedeng kainin at inumin.
Kahit sa pagpili ng makakain ay hindi ko maiwasan ang hindi matulala kapag sumasagi sa isip ko kung paano niya ako yakapin kanina ng mahipit. At kung paano niya idinikit ang ulo ko papunta sa kanya upang hagkan ang labi ko.
And when our lips were attached to each other, I couldn't deny the fact that it was still soft and enduring. Walang nagbago sa kung anong meron ang labi niya at sa ilang taon na nakalipas ay parang kilala ko pa rin ito.
My heart was still screaming inside because of what he did. Who would've thought that it might happen again? Na 'yung ginawa ko noon na naging dahilan kung bakit nasira ang pagkakaibigan ay gagawin niya naman sa akin.
It wasn't exactly a confession, to be honest. Wala akong narinig na kung gusto niya ba ako o mahal niya ba ako, but what was the reason of that? Bakit siya nagseselos? Unang-una ba't niya nararamdaman 'yon?
Napakurap ako habang nakatitig sa kalahating bote ng mineral water na binili ko. Posibleng tama ang hinala ko... but I'm still confused. I don't even know where to go.
Tinakbuhan ko siya because I felt that I wasn't ready to talk about it. Masyado pang gulong-gulo ang isip ko sa ginawa niya at ngayon iniisip ko na kung ganito rin ba ang nangyari sa kanya noon matapos ko siyang halikan sa harap ng mga schoolmates namin.
Buti nga hindi ko siya sinuntok o sinampal, hindi katulad sa akin na nakatanggap ako ng maraming suntok mula sa kanya.
Kinuha ko ang tissue na binili ko kasama ng tubig at tahimik na pinunasan ang mukha ko upang ihanda ang pagtawag kay Dash. Wala akong ibang matatakbuhan dahil bukod sa wala naman akong kilala masyado rito ay hindi ko alam kung anong lugar 'to.
Nanatili ako sa 7/Eleven ng halos mag-iisang oras. Hindi na ako nagtaka nang abutin ako ng ilang tawag kay Dash at Zahra bago nila ito sagutin. Dash answered my call first at hindi niya na raw kasama si Zahra dahil pagkatapos niya makilala ang kasama niya ngayon ay naghiwalay na silang dalawa.
Dash didn't hesitate to go kung nasaan ako nagpatila kahit pakiramdam ko ay may ganap siya ngayon. I shared my location to him para malaman niya kung nasaan ako. It's also three a.m. and I was still shivering from the rain. Kung papasok ako sa loob ay baka maging yelo na ako sa sobrang lamig ng aircon.
"What happened? Suotin mo na 'to bilis! Pinag-alala mo 'ko, Nate. Muntik na akong ma-ticket-an sa bilis nang pagmamaneho ko," alalang singhal ni Dash sa akin.
Hindi pa niya napipindot ang payong na itim ay mabilis siyang lumapit sa akin upang ibigay ang puti niyang jacket. Kinuha ko naman ito pagkatapos kong ayusin ang salamin ko sa mata.
I smiled shyly, "Sorry na. Ito naman, nagagalit agad. Naistorbo ba kita?"
Umiling siya pagkatapos umupo sa harapan ko. Wala na masyadong tao sa dalawang table and chairs sa harapan namain at bilang na rin ang customer na pumapasok sa loob ng store.
"Hindi, nakauwi na si Jarred kanina pa. Don't try to talk about him, ang gusto ko malaman kung bakit nandito ka? May ginawa bang hindi maganda sa 'yo si Matt?"
Ramdam ko ang pagpipigil niyang hindi taasan ang boses and I took a deep breath because Matt was out of this. Minasdan ko ang mga mata niyang hindi ko mahulaan kung inaantok pero baka dahil sa biglang kong pagtawag sa kanya kaya nawala ang antok niya.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 25
Start from the beginning
