Chapter 51 - Future Sister In Law

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinuha ko ang kamay ko.

"Sandali lang miss. Kilala ba kita?"

 

"You don't know me?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Bakit sino ba siya at dapat kilala ko siya.

 

"I wouldn't ask if I know." sagot ko.

Bigla na lang siyang natawa. May sayad yata ang babaeng to.

"Silly me. I'm sorry for my rudeness. Anyways I'm Cheska. Did the name ring the bell?"

 

"Ha?" naguguluhang sabi ko.

Anong bell ang sinasabi niya? Dapat ba may bell akong marinig? Hindi ko siya maintindihan eh.

 

"Miss pasensiya ka na pero hindi talaga kita kilala."

 

 

"STAY AWAY FROM HER!!"

 

Sabay kaming napalingon sa sumigaw. Si Nathaniel. Papalapit siya sa amin at nakatingin ng masama sa babae.

Parang bigla naman akong kinabahan. Parang gusto kong tumakbo palayo. Kaya lang bago ko pa mapagdesisyunan kong tatakbo ba ako o hindi ay hinawakan na niya ang kamay ko.

"Let's go." sabi niya sabay hila sa'kin. Kaya lang pinigilan kami nung babae. Hinawakan niya iyong isa ko pang kamay. Balak yata nilang mag tug of war at ako ang gagawin nilang lubid.

"Let her go."

 

"No James. You let her go."

 

Nagpalipat-lipat na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Mukhang magkakilala ang dalawang to. Nagsusukatan lang sila ng tingin. Parang tinatakot nila ang isa't-isa sa pamamagitan ng titig. Pero mukhang walang matitinag.

"Just what the hell do you think you're doing? You'll scare her."

 

"Excuse me? Scare her? Masyado akong maganda para matakot siya. I just wanna check out my future sister in law. Masaba ba yun."

 

Nanlaki ang mga mata ko. Her what?

"Future sister in law? Sino? Ako?"

 

Iyong matatalim niyang tingin ay naglaho na parang bula ng tumingin siya sa akin. Tapos nginitian pa niya ako nang pagkatamis-tamis.

"Yes you're right my dear. I'm your boyfriend's big sister."

 

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon