Tita has four children at 'yung tatlo ay nasa school dahil friday pa lang ngayon. Ang tanging naiwan lang dito sa bahay ay ang tatlong kasambahay at si Aliyah. Her husband was currently working overseas kaya hindi ko siya mami-meet.

Conrad mentioned to her that we are going to visit in a furniture shops in San Juan City when she asked about our project, kaya pinadamihan niya na nilutong lunch upang sabay-saby na kami kumain. Para daw ay hindi na kami kumain pa sa daan.

"Sous chef pala 'tong kasama natin," pagbibiro sa akin ni Tita nang ilapag isa-isa ng may edad na babae ang mga putaheng niluto nila. "Huwag ka mag-alala, Nate kasi kusinera din 'yan si Ate Merlin."

I forced a smile between my lips when the woman looked at me, and I saw her shy smile, maybe she felt fluttered. Natatawa rin akong sumegundo kay Tita Jade dahil ramdam kong nahiya ang babae sa akin.

Napuno rin ng masasayang kwentuhan ang tanghalian namin at naisipan ko rin gumawa ng saba con yelo dahil napansin ko sa kusina na meron silang stock ng saging na saba. And I am glad that they enjoy that simple dessert that I made for them. Sinabi ko kasi na baka masayang lang ito kapag nahinog ng sobra, at posibleng hindi siya magamit.

Nakakatuwa rin masdan kung gaano kalapit si Conrad kapatid ni Tito Luke. Kahit kay Chef Theo ay nakikita ko rin na ganito sila lagi, hindi lang kami nagkakasundo ng lalaking 'yon. Kahit si Tita Jade ng mapunta kami tungkol sa bunso niyang kapatid ay napapaisip siya kung ano ba ang pagkukulang nila. Since both of their parent are gone a few years ago.

"Nung nabubuhay pa naman si Mama, hindi naman ganoon ang ugali no'n. Pinagsasabihan naman namin siya ng Tita Gina at ng Papa mo na para sa kanya naman 'yang ginagawa niya."

"He even attacks Nate, saying that he did not deserve the promotion," sabat ni Conrad. "Pero ang rason ko naman sa kanya ay ipakita niya na deserve niya 'yung spot kasi kahit si Dad ay hindi nagugutsuhan ang mga ginagawa niya."

Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko dahil parang bigla niyang nilaglag ang Tiyuhin niya.

"I heard about it, Cond. Kaya Nate," lumingon sa akin nag babae at may halong dismaya ang ngiti nito, "pasensya na sa kung ano mang nasabi ng kapatid ko sa 'yo, and you deserved that position. Sobrang galing mong kusinero para sa akin," malambot na aniya.

Naramdaman ko agad kung paano marahang lumambot ang puso ko at parang mas gusto kong tumili sa saya dahil pati siya ay dinadamayan ako. I hope Chef Theo enjoys the time na wala pa ako doon sa Cucina kasi kapag bumalik ako at nakikita niya ako ay parang gusto niya sumabog sa inis.

Makalipas ng isang oras ay napansin ni Conrad na medyo napahaba na rin ang usapan namin kaya siningit niya na ang magpaalam sa babae.

"Hindi ko man lang nakarga si Aliyah, kahit isang beses," reklamo ko habang pinapaandar na ang sasakyan.

Nakangiti kaming nagpaalam sa kasambahay na nagbukas ng malaking gate. Malapad din ang ngiti ko nang kumaway din kami kay Tita Jade sa balcony nila dahil hinintay niya kaming makaalis bago pumasok sa loob ng bahay.

"She just met you, Nate. Gano'n talaga 'yung mga bata minsan. Don't worry, next time makakarga mo na siya. Malay mo next time din ay makipag-karo na siya sa 'yo. Aliyah is adorable when you become close to her."

Mahinang akong tumawa bago tumango

"Oo, babalik naman siguro tayo dito. Na-miss ko tuloy si Charlie, kasi kapag nakita pa lang ako no'n na papasok sa gate n'yo, sumisigaw na agad siya. But yeah, we just met. Sobrang cute ng anak ni Tita."

"We'll call Charlie later, para hindi ka na mukhang kawawa diyan," biro niya.

Lumingon ako sa kanya at napakurap. Kahit hindi ko kita sarili ko ay pakiramdam ko hindi maganda itsura ng mukha ko ngayon.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now