"W-wala naman, nagpapahangin lang. Hindi ko rin kasi 'to nagagawa doon sa apartment ko dahil sa dami ng lamok kapag gabi," bahagyang ngumiti ang labi ko dahil sa kalma ng boses na ginamit ko.
I guess I'm feeling... okay. The fact that this person beside me was the reason why I am cursing the moon from the beginning.
"Ayaw mo lumipat sa merong balcony para makapagpahangin ka kapag gabi?"
Umiling ako at maliit na tumawa. "Boarding house na 'yon, pero ayaw ko pa rin. Tapos kapag umuuwi naman ako galing sa resto ay nagpapahinga ako ng kaunti, sunod aasikasuhin sina Lily. Pagkatapos, tulog na."
I heard him chuckled because of my answer dahil ang mata ko ay abala sa pagliwaliw ng labas.
"Gusto mo palang sumama next-week sa binyag ng anak ng kaibigan ko?" he asked me slowly.
Huminga ako ng maayos upang isipin ang isasagot.
"Puwede naman, mabilis lang ba tayo doon?"
"Oo. Are you sure?" halatang hindi makapaniwala ang boses niya pero agad ding sumilay ang ngiti sa labi niya. "Ahh, baka gusto mo lang dahil makita ulit sina Aiah. May gusto kang malaman tungkol sa akin, 'no? Am I right?" he smirked.
Kumunot ang noo ko at mahinang tumawa. "Ang feeling mo na naman. Edi, 'wag na lang ako sumama. Problema ba 'yon?" saad ko.
"Uy, hindi! Biro lang! Oo, mabilis lang tayo. Pero we must attend the ceremony sa church kasi isa ako sa mga godfather. Nalaman kasi nilang nasa Manila ako, kaya isa ako sa napili, lahat kaming kaibigan niya actually," tila reklamo niyang sabi.
"Bawal ka naman na tumanggi. First time mo ba?"
He nodded right away. "Oo. Siya pa lang naman kasi sa mga kaibigan ko ang may anak. Partida hindi pa 'yon sila kasal. Nagmamadali ata."
"Buti okay naman sa family nila both sides?"
"I am not really sure about that pero 'yun daw 'yung ex-girlfriend ni Zoren nung college, eh. Maybe I already met her," aniya.
"Can I ask something?" seryosong boses na tanong ko.
"What is it?"
"Sino si Fade?"
Bigla akong lumingon sa kanya at diretso rin siyang bumaling sa akin dahilan para magtama ulit ang mata namin sa isa't isa. Alam kong nanginginig ang lalamunan ko because is some kind of information about him.
Nahulaan ko agad sa reaksyon na nangibabaw sa mukha niya na tila hindi niya inaasahan na bigla ko itong itatanong sa kanya.
He swallowed. "Ahh, narinig mo ba 'yan kanina nung nasa Starbs tayo with the two?" he wondered.
Sumegundo naman ako dahil bukod sa narinig ko ito kanina ay nabanggit rin ito mismo sa akin ng dalawa. Nawala na 'to sa isip ko ng makarating kami rito sa unit pero nang marinig ko 'yung salitang 'college' sa kanya ay bigla kong naalala ang narinig ko kanina.
"Okay lang ba na pag-usapan natin siya?" tanong ko at mabilis siyang tumango.
"Sa akin okay lang since matagal na rin naman ang nakakalipas. Ikaw ba? Will you be okay to talk about him?"
Him? Lalaki rin?
My eyes twitched. "Him?"
"Unfortunately, he's a guy."
"Do you mind if I ask kung anong gender niya? Straight ba siya katulad mo?"
Napakurap ako dahil parang agad-agad naman 'yung pagkakatanong ko. Umiling siya na mas lalong ikinabigla ko.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 21
Start from the beginning
