Natawa ako ng marinig ang malakas na pagtawa niya at dahil pareho kaming tila maganda ang pakiramdam ay nagpatuloy ang pag-uusap naming dalawa. Bigla ko na lang nakita mula sa loob na pumasok na siya sa gate.

Napagdesisyunan din naming hindi na muna ako magluluto ng dinner namin ngayon dahil baka mag-order na lang daw siya mamaya. Our stomach still felt full because of what we ate earlier.

When I was done taking a bath ay pinakain ko na rin ng dinner sina Lily at Lime. Kumuha lang ako ng dalawang canned tuna para tig-isa ang dalawa. Nasa loob sila ng kwarto ko kumakain ng iwan ko sila dahil gusto ko munang magpahangin sa labas.

Pagkarating namin kanina ay kumuha kami ng oras upang kausapin si Tita-Nang via skype tungkol sa updates para sa project. Kinukumusta rin namin sina Chef Oli and Chef Iris sa resto kahit na ilang araw pa lang naman kami nawala.

Conrad wasn't wasting his time kapag kailangan niyang makakuha ng balita sa Cucina because that was his job to take care of them.

Malapad din na ngumiti ang labi ko ng maabutan ang labas ng balcony na dinadaanan ng malamig na hangin. We are in fourth floor that's why the air was hitting on me nang tuluyan akong umupo sa nilagay na mahabang upuan dito ni Conrad.

Sa mga oras na 'to ay nasa loob siya ng kanyang kwarto pagkatapos niyang maligo kanina. Sa apat na araw na magkasama kami ay hindi na bago sa amin ang hindi magkita kahit nasa iisang bubong lang kami.

Magkikita lang kaming dalawa kapag kakain na dahil sa ako ang palaging nagluluto ng lunch at dinner namin o kung meron siyang gusto pag-usapan, ngunit ang madalas ay nasa loob ako ng kwarto.

There is still some awkwardness between us despite how we laughed at our own jokes kapag nag-uusap kami ng matagal. Pero kapag nangyayari naman iyon ay tila bumabalik kami sa dati, noong mga panahaon na tinatago ko lang ang nararamdaman ko.

I took a deep breath as I watched the moon shining behind the tall tower in front of me. Nakakatuwang isipin na sobrang layo niya sa atin pero kapag minamasdan mo na ay parang nasa harap mo lang ito.

She is alluring and heavenly to stare at pero kapag naaalala ko kung gaano ako nito hinayaang umiyak noon ay mas gugustuhin ko na lang na makita ang makintab na araw.

"Hey, Nate. Are you... o-okay?" biglang tanong ng lalaki sa gilid ko mula sa loob.

I raised my eyebrows, startled. "Ah, oo... akala ko tulog ka," sagot ko, sabay ngiti na parang nahuling may ginagawang kalokohan.

"Hindi pa ako inaantok pagkatapos kong maligo, nag-browse lang ako sa phone ko. Nagugutom ka na ba, kasi mag-o-order na ako ng dinner natin."

"Ikaw ba? Hindi pa ako nagugutom, eh."

I saw him looked at the space beside me. Mahaba kasing upuan 'to na may kutson ang ibabaw at dahil sa malaki ang space ng balcony ay pinalagyan niya raw nito.

"Can I sit beside you?" he asked.

Simpleng bumaba ang tingin ko sa isang kamay niya at hawak nito ang itim niyang vape kasama ang cellphone niya.

Tumango ako nang hindi nagsasalita habang umuusog ng kaunti. I am wearing a comfortable above-the-knee black shorts, and my top was an oversized green t-shirt. Ganito lang suot ko kapag pang-tulog, lalo na't kakalaba ko lang ng mga pajama ko.

Nahagip din ng mata kong naka-red and black jersey shorts siya na lampas-tuhod, pero dahil nakaupo siya, lumalabas ang mapuputi niyang hita. He paired it with a huge white t-shirt. Mukha na rin siyang ready matulog.

"Anong iniisip mo?" diretsong tanong niya na parang pumitik sa tainga ko.

I swallowed before opening my mouth.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now