He has a brown tray with four paper cups na may lamang tubig at pasaring na tumingin si Mindy sa kanya ngunit agad naman ako nagsalita upang hindi makahalata ang lalaki.

Nakipagsabayan din na makipag-usap ang lalaki at pansin ko ang patuloy na pagbibiro ni Mindy sa kanya pero ang seryoso lagi ng mga sagot niya. Kaya nagugulat din ako dahil kapag kaming dalawa ang magkausap ay panay ang biro niya sa akin.

Ganito rin siya lagi sa site kapag nakikipagbiruan si Sir Richard. Nahuhuli ko naman siyang tumatawa pero madalas ay seryoso ang mukha niya kaya walang kumakausap sa kanya na trabahador.

While watching them talking to each other, there isn a moment that my eyes were stuck on both Mindy and Aiah. It was a lowkey backstabbing kung iisipin na parang may gusto silang sabihin sa akin tungkol kay Conrad. Pero kung papakinggan ko siguro ng buo ay wala namang masama sa ikukwento nila.

Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanila kaya hindi ko kayang pag-isipan sila ng masama dahil lang sa narinig ko kanina.

Natapos ang halos dalawang oras na pakikipag-kwentuhan sa kanila ay naramdaman ko agad na mapagkakatiwalaan sila. And I became more close to both of them lalo na si Mindy kahit ngayon lang kami nagkausap.

Pero wala ng naungkat pa hanggang sa ihatid namin ang dalawa sa parking lot.

"Ang gaan nilang dalawa pareho sa pakiramdam. May mga kaibigan ka na palang babae, I'm happy for you, Conrad," nakangiting sabi ko.

Habang ikinakabit niya ang seatbelt sa bewang niya ay nilagay ko muna sa backseat ang paper bag na take out namin mula sa Starbucks. I heard him laughed while starting the engine.

"Yeah. We became more close nung mag-second year pero minsan ng na-bully ang dalawang 'yon nung first year kami, kasi 'yung ex-girlfriend ko pinagkalat na secret girlfriend ko raw si Aiah," natatawang saad niya, "even that time she has a long-time boyfriend. Pinagkaisahan pa rin siya."

Umawang ang labi ko sa kanya. "Sobrang gandang bata naman kasi ni Aiah. Marami pa talaga kaming pag-uusapan no'n, nakakabitin," saad ko.

"Interesado ka ngayon malaman kung anong buhay ko nung college? I can tell you from the very beggining," nakatingin sa aking tugon niya..

Naramdaman kong huminto ang sasakyan kaya nagkaroon siya ng oras upang tingnan ako ng matagal. But when my eyes looking directly into him, my throat starting to shake because something flashed on my mind.

"Huwag na, sa kanila ko na lang itatanong kapag nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag-usap ulit. Mayabang ka, eh," sabi ko at tumawa siya.

"Hindi naman, Nate. Grabe ka naman sa akin."

See? Nag-iiba siya kapag ako ang kausap.

"Bakit parang ang seryoso mong tao kapag ibang tao ang kausap mo? Katulad nina Sir Richard at nina Mindy?" nagtatakang tanong ko.

"What do you mean?"

"You seem uninterested when talking to other people. Hindi ko siya ma-explain but I always notice that on you, pero gan'yan ka naman na noon pa. Why am I thinking that either?"

I heard him chuckle, and only then did I realize na parang nawala ako sa sarili ko bigla. "So... does that mean lagi mo akong pinapanood kapag may kausap ako?"

"Isipin mo na ang gusto mong isipin, Conrad. Hahayaan kita ngayong gabi," sabat ko at tumawa lamang ito.

"Ba't ngayong gabi lang. Give me some extensions," panunuya niya.

My eyes went smaller at ngumiwi ako. "Extensions ka diyan. Alam mo bang arte mo, kahit kailan?" pabalang na tanong ko.

"I'm offended," he replied.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now