Nagdadalawang isip ako kung pupurihin ko ba siya but I just met her at parang pinipigilan akong sabihan siya because maybe she already know that. They seems nice dahil pagkaupo namin ay sinabihan nila kami agad na nag-order na raw sila ng pagkain at drinks namin ni Conrad.

At ang mas lalong nagpagaan ng loob ko ay nang kinausap pa nila ako. I was flustered when I realized they already knew who I wasb and what happened between me and Conrad but they didn't pry. May mga pasaring lang sila, pero agad din silang pinatigil ng lalaki sa pagbanggit pa ng kahit ano.

Patuloy naman ako sa pagpipigil ng tawa sa dahilang parang naninibago sila sa lalaking kasama ko. Kahit naman ako noon nung una ko siyang makita makalipas ang mahabang panahon.

"Kumusta ka naman dito sa Taguig?" pag-iiba ng tanong ni Aiah sa akin at sa sobrang lapad ng ngiti niya ay parang pati ang dalawa niyang mata ay kinakausap ka.

Nalaman ko lang din ngayon na they are both CPA sa isang accountancy firm sa Mandaluyong. At ng sabihan sila ni Conrad na nasa Maynila daw ang lalaki ay ngayon lang silang nagkaroon ng oras para makipagkita.

"Maayos naman kahit papaano, pero ang issue ko lang ay sobrang init pala dito sa lugar niyo, 'no?" natatawang tanong ko.

"Muntik mo na nga makalimutan 'yung tumbler mo kanina. Buti hindi pa tayo nakakaalis sa basement," sabat ni Conrad at sa pagtingin ko sa kanya ay naalala ko ang nangyari kanina.

Sa lahat ba naman kasi na pwedeng kalimutan ay 'yung tumbler ko pa na pinakaimportante sa akin. Hindi ko gugustohing makiinom sa kanya kaya kahit nakaandar na ang sasakyan niya ay babalik pa rin ako sa taas.

When my eyes glanced at Mindy, I caught them smiling at me.

"Naalala ko bigla 'yung mga pictures niyo na pinakita sa amin ni Conrad before. Sa 'yo pala nagmana si Charlie, Nate," Mindy chuckled.

Tumango ang ulo ko habang tumatawa. "Oo, ang taba, 'no?"

"Super! Nami-miss ko na rin, Con. Kailan kaya siya babalik ulit dito sa Taguig?" tanong niya kay Conrad na kakainom lang sa inumin niya.

"Hindi ko pa alam. Nag-aaral na kasi na kasi siya, Minds. Anyways, how's Zoren? Kailan daw binyag ng anak niya?"

"Uy, oo pala! Last week ngayong September, isasabay sa birthday niya. Nandito pa ba kayong dalawa?"

Conrad looked at me before answering Mindy. "Siguro, baka oo. We just started our project, baka nga abutin pa kami rito ng birthday ko. But I'm not sure. Pupunta ba kayo?"

Aiah and Mindy both nodded.

"Oo naman, first born 'yon ng kaibigan natin. Tapos ikaw ang pinaka-importanteng bisita do'n, kaya dapat nandoon ka," sagot ni Mindy.

"We should've come. Mas maganda rin kung isama natin si Nate para makilala niya rin sina Felix at ng iba mo pang kaibigan," Aiah added.

Napainom ako sa iced coffee ko na binili ng dalawa para sa akin and Mindy recommend this to me dahil sarili raw niyang request 'to. Nagustuhan ko naman dahil sa caramelized sugar na hinalo. Hindi kasi ako mahilig sa kape, kapag trip ko lang.

"I'll check our schedule and my own schedules. Baka kasy may klase ako that day sa master's ko pero I can make time," kalmadong saad ng lalaki.

Simula nung makarating kami rito ay isang beses ko lang siyang nakitang may online class at naganap iyon sa unit namin. Narinig ko na lang sa kwarto niya na may nagsasalita at napansin ko rin na may sinusulat niya sa notebook niya.

He's a multitasker dahilan para mas lalo pa akong mamangha sa kanya. Hindi na ako magugulat na kung sa mga susunod na araw ay mas lalo ko pang makikita kung anong klaseng tao na ba siya.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon