Tapos na naming kausapin si Emil kung meron ba siyang gustong ipaalam sa amin at balak na namin umuwi ni Conrad dahil hahanap na kami ng furniture stores. Kailangan na namin mag-canvas at tumingin-tingin dahil possible next-next week ay matatapos na sa taas.

"Diyan na lang tayo kumain. Ako na sasagot," turo ko sa Recovery Food.

A Filipino restaurant.

He glanced at me, "Hinahanap ko 'yung Starbucks, hindi ko na maalala kung nasaan."

"Dinner? Starbucks?" dagdag na tanong ko.

"Hindi pa tayo magdi-dinner, ang aga pa at 4 p.m. pa lang, okay lang ba? Habang naghahanap tayo ng supply natin for furnitures sa online ay doon muna tayo pansamantala?"

I pressed my lips to look at him. "Hindi ka naman mahilig sa kape, 'di ba?"

"I'm not going to order a coffee, water or tea base drinks siguro. And someone is waiting for me there," aniya.

Wala na akong sinabi upang matapos na ang usapan ngunit biglang nagkaroon ng tanong sa isip ko kung sino ang naghihintay sa kanya doon. A few minutes after, he started driving again while asking me some questions na related sa project.

For the past four days of being with him, I saw how much he's organized and mindful. Lalo na pagdating sa budgeting. Sobrang galing niya pagdating sa pera at hindi mo siya kakayanin dayain. Kaya kapag kausap niya si Sir Richard o si Emil, ramdam ko gaano rin sila ka-pressure kay Conrad.

I suddenly became his assistant at marami na rin agad kaming nagiging disagreement kapag pakiramdam ko ay masyadong complicated ang isang bagay. Apat na araw pa lang, ha? Hindi ko na siya kinakaya.

"Conrad!"

"Mindy, si Conrad!"

Agad na lumingon ang ulo ko sa dalawang babae na magkasabay tumayo habang sinisigaw ang pangalan ng lalaking kasama ko. Conrad immediately walks faster towards them dahilan para mapahinga ako ng maayos.

Pinanood ko kung paano masayang niyakap ng lalaki ang dalawang babae at lumapad din ang pag-ngiti ko habang minamasdan sila. Even though I didn't know them.

"Where are your mullet haircut and your bad boy earrings? Ay hindi si Conrad 'to Aiah. Pakibalik si Conrad na nakilala ko noon, please!" tumatawang biro ng babaeng maiksi ang buhok.

Nakalapit na ako sa table nila and I smiled when I saw that she was wearing round eyeglasses that looked the same as mine. Naiwan ko lang sa akin sa unit.

"You're crazy, Minds. Nag-mature na siya, owner na ba naman ng isang engrandeng restaurant," malinaw na tugon ng isang babaeng hindi ko maittanggi ang ganda.

Those wavy and black hair compliments not just her slim body kundi ang mukha niyang sobrang maamo. They are both wearing white fitted longsleeves pero itong si Mindy ay naka-trouser pants na brown habang itong gandarita naman ay naka-skirt na grey.

Grabe naman talaga sa ganda!

"Nate, this is Mindy," biglang pagpapakilala ng lalaki sa akin at nahinto ako sa pagmasid sa dalawa dahil pareho na itong nakangiti sa akin. "And this tall one is Aiah. They are my close friends from college."

Gustong tumaas ng kilay ko bigla dahil may kaibigan na siya ngayon na babae.

"Hi, Nate! I'm so happy to finally meet you!" bati sa akin ng babaeng maiksi ang buhok at sa galak ng mukha niya ay hindi ko alam kung gusto niya ba ako yakapin.

"Hello po. Nice too meet you din!" saad ko at kinamayan siya.

"I'm Aiah! Nice to meet you, Nate! Finally in the flesh," she smiled, and I did the same thing with her.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora