"Sa mga titig mo na lang naman ako hindi sanay," he uttered after drinking from his soda can, like it was the most casual thing in the world.
"Bakit? Ah, oo. Nandidiri ka pa sa 'kin," I smiled, half-joking, half-testing.
Umiling siya. "Hindi, Nate. Matagal ko kasing hinanap 'yang mukha mo noon ng hindi pa kita nakikita at hanggang ngayon, naninibago pa rin ako." Then he leaned forward and his eyes are unwavering.
"Your cheeks became more squishy... and I really want to pinch it."
Hindi siya tumawa.
Habang sinasabi niya iyon sa harapan ko ay hindi umiwas ang titig niya mula sa akin. Na para bang sinasadya niya akong paikutin gamit ang boses niya. And I hated it for a second because I almost forgot why I was supposed to hate him.
Sa matagal naming pagtitigan sa isa't isa, siya ang unang kumawala at kalmadong nagpatuloy sa pagkain na parang wala siyang sinabing ikakahinto ko. Umiwas na rin ako ng tingin at kinuha ang cellphone ko sa bulsa para padalhan ng mensahe sina Mama.
Nandito pala kami sa boundary ng Camarines Norte at Quezon, at nang maisip kong masyado pa kaming malayo sa destinasyon namin ay parang gusto ko na lang paliparin ang sasakyan niya.
Natapos na rin kami kumain at magkasama kaming pumunta sa restroom ng kainan. Baka raw mag-stop over pa kami mamaya kapag gusto niya magpahinga ng kaunti.
"Hindi ka naman inaantok kapag nasa biyahe kang ganito?" I asked him.
Nasa tapat kami ngayon ng isang puno malapit sa restaurant. Nagising kasi sina Lily at Lime kaya pinalakad ko muna sila rito sa maliit na field para kahit ilang minuto ay mai-stretch ang katawa nila.
Conrad was standing with a huge apart from us dahil sabi niya ay baka raw mangati siya.
"Minsan, oo. Pero nasasanay na rin ako," sagot niya. "Last time nga ng umuwi ako nung wedding ni Ate, twelve hours straight ako noon na walang tulog. Para akong nag-adik pero kinaya ko." Tumawa siya pagkatapos.
Umukit din ang maliit na ngiti sa labi ko habang kinakarga si Lily. "Kapag mga ganito kahabang biyahe, dapat may kapalitan ka para makatulog kahit kaunting oras."
"Do you know how to drive a car, Nate?"
"Hindi," umiiling na sagot ko.
"Tuturuan kita. Walang bayad. Para kapag umuwi na tayo, ikaw ang pwedeng maging kapalitan ko."
"Sira ka yata?" natatawang tanong ko, at malakas siyang tumawa.
Pinanood ko siyang humalakhak sa harapan ko. Kahit may kalayuan, nakakahawa pa rin ang tawa niya. I laughed silently while shaking my head. At nang magsalita pa siya upang asarin ako ay hindi ko na napigilang tumawa katulad niya.
Kakaiba 'yung dating ng mga pang-aasar niya sa akin ngayon. O baka kalmado lang talaga ang diwa ko kaya ganito ang reaksyon ko. Hinihintay kong kublitin ako ng inis na dapat kong maramdaman dahil kasama ko siya pero nakakapanibago na walang lumilitaw.
Nakapasok na kaming lahat sa loob ng kotse, at nang makita kong binababa niya ang sleeve ng sweatshirt niya, ay parang ako naman ang nanlamig.
"Mas malamig pa pala dito kaysa sa labas. Wait, kunin ko lang 'yung jacket ko sa backpack ko," saad ko.
"Nasaan 'yung bag mo?"
I looked at him. "Ayun, sa ibabaw nina Lily."
Hindi siya sumagot sa sinabi ko pero tinanggal niya ang seatbelt niya para abutin sa likod ang nakatuping gray na hoodie, na katabi ng pillow neck na ginamit ko kanina. I saw it earlier nang kunin ko 'yung tumbler, pero hindi ko ito pinansin.
"You can wear this. Ni-ready ko lang siya kasi baka suotin ko, pero ikaw na sumuot. Okay pala 'tong sweatshirt ko pwedeng-pwede sa malamig." Yumuko siya habang tinutukoy ang suot niyang damit.
I didn't plan to take it from his hand, pero wala pang ilang segundo para makapagdesisyon ako ay nilapag niya ito sa hita ko habang iniikot ang susi.
Wala ako sa sariling tiningnan 'yung hoodie naalam kong isa 'to sa mga paborito niyang suotin. Mahina siya sa malamig na panahon o paligid, kaya minsan nagtataka ako kung paano niya natitiis ang bukas na aircon sa opisina.
It took me a few minutes before wearing it. Wala akong nasabi, wala rin akong narinig kundi 'yung mahinang pag-tik-tik ng makina habang nagiinit ito. I slowly slipped my arms into the sleeves, careful but almost hesitant, as if the fabric might burn me.
At habang nakasuot na ito sa katawan ko, ay parang ang bigat. Hindi dahil makapal siya, kundi dahil sa kanya ito.
I could still feel his warmth on the sleeves. It smelled faintly of something familiar, like a morning flower and a little bit of mint, a subtle scent that I used to recognize even with my eyes closed.
"Hindi ba lamigin ka?" tanong ko sa kanya at halos pabulong ito.
Napatingin siya sandali sa akin bago ngumit, 'saka muling ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Naaalala mo pa rin pala?" nakangiting tanong niya.
Bumuntong-hininga ako ng maayos upang tanggapin kung saan man mapunta ang usapan namin.
"Oo. Sure kang hindi mo 'to kailangan? Ihihinto mo lang naman ang sasakyan mo tapos kukunin ko na 'yung bag sa likod."
"Hindi ba okay ang amoy? Nilabhan 'yan alam ko," aniya.
"Ah, hindi. Mabango nga, eh. Amoy mayaman. Baka kasi lamigin ka mamaya habang nagmamaneho ka, hindi pa naman yata 'yan makapal na suot mo," tukoy ko sa suot niyang maganda raw sa malamig.
He glanced at me before smiling at para akong nahipnotismo sa ngiti niyang binigay sa akin. Bumalik ang tingin ko sa madilim na daan at sa nakikita ko ay parang gusto ko na lang ipikit ulit ang mata ko.
"I'm fine, Nate. Mas kailangan mo 'yan. You should sleep again, gisingin na lang kita kapag kailangan. Okay? Babawi na lang ako ng pahinga kapag nakarating na tayo sa unit natin."
I glanced at him again.
"Sure ka?"
He nodded, a soft smile still playing on his lips. "Yes, Nate. Sleep well."
"S-sige. Salamat, Conrad," tugon ko.
I closed both of my eyes when I realized that I wasn't thinking straight pero buti na lang ay natapos ko rin ang pakikipag-usap sa kanya. Para akong mawawalan ng hangin sa loob ng dibdib ko dahil sa mga kilos niyang hindi ko kayang balewalain.
This is too much if I really want to think deeper. But the thing is, I don't want to assume anything because it already happened to me 6 years ago.
Those kinds of gestures that he made? That was fucking new to me. Kakaiba 'yon sa mga naging kilos niya noong magkaibigan pa kami. He's grown. He's more patient now. Softer, in a way that almost makes me want to believe that he's no longer the same boy who made me walk away.
At 'yun ang kinakatakutan ko.
Sana kaibigan lang ang habol niya. Sana ito lang 'yon. Sana hanggang doon lang.
Kasi kung hindi...
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may iba pa pala siyang ibig sabihin sa lahat ng 'to.
☕
hello, fiques! kumusta kayo?? i hope u are all doing well kasi si nate hindi hshs :P thank you for reading, and keep voting! :> don't forget to leave a comments! besitos! :3 xx
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 19
Start from the beginning
