May kaunting paninibago akong naramdaman dahil matagal-tagal na rin ang huling biyahe ko nang ganito. Noong nakaraang Expose sa Pasay, eroplano ang gamit namin at isang oras lang ang naging biyahe noon. This? This felt different. Simpler. Mas personal.

"Akin na 'yang dala mo. Kukunin ko na 'yung bakanteng table na 'yon, baka kasi may kumuha pa," nguso ko sa table for two na nasa gitna ng ilang abalang mesa, it was surrounded by chatter and clinking utensils.

"Anong gusto mong inumin? Do you want coffee?"

Umiling agad ako. "Huwag, baka makasama 'yan sa tiyan ko. Soft drinks na lang. Sprite sa akin 'yung maliit lang or kahit in can."

Pagkatapos kong magsalita, binigay niya sa akin ang eco bag, at tuluyan na akong tumalikod papunta sa mesa. Nang makaupo ako, napansin ko siyang tahimik na pumila habang inilalagay ang isang kaliwang kamay sa bulsa.

Hinanda ko na rin 'yung may kalakihang tupperware mula sa bag para pagbalik niya, kakain na lang kami. But I couldn't help but laugh when I didn't see any plate or utensils inside.

"Nakalimutan mong magdala ng plato at tinidor?" pigil-ngiting tanong ko.

He gasped while looking at me. "Wala ba diyan sa loob?" Kinuha niya ang paper bag pero wala na itong laman dahil nailabas ko na lahat. "Nakalimutan ko yatang sabihin kay Manang. Wait lang, hihiram ako."

"Ako na lang. Umupo ka na," saad ko at tumayo na ako, pero inunahan niya ako.

"Ako na. Umupo ka na lang, Nate."

I watched him walk flawlessly to the counter and his posture was relaxed, like he owns 50 % of this place. Mabilis na kumunot ang noo ko nang makita ko siyang kinausap ang isang beki na agad namang ngumiti at sinunod ang sinabi niya.

He used his charm again. Of course.

Mas lalo akong hindi nakagalaw nang makita kong nag-uunahan pa 'yung isang babae at 'yung beki na inutusan niya kanina abutin ang dalawang platito. Gusto ko tuloy humagalpak ng tawa nang makita kong kumaway pa 'yung babae sa kanya at kung hindi ako nagkakamali, nagpa-cute pa.

"Easy," he smirked while taking the chari in my front, dala na ang dalawang platito na parang trophy.

"Tingnan mo sa counter, ang sama ng tingin ng beki sa akin," sabay turo ko sa lalaking may edad na. Mas lalo kong pinigilan ang tawa ko dahil sa apron niyang puti na lumalagpas na sa bewang.

Conrad glanced at him, and the second their eyes met together, napawi agad ang inis na gusto nang lumitaw sa mukha nito.

"Hayaan mo na sila. Kumain ka na lang para makaalis na tayo," aniya habang inilapit niya sa akin ang platito.

"Ngayon natatakot ka?"

He chuckled. "Saan?"

"Dito. Papa-pogi ka, eh."

He tilted his head, lips twitching in amusement, pero hindi siya nagsalita. Tumitig lang.

"I'm not scared of that kind of stares and treatment. Basta 'wag lang nila ako hawakan 'yun lang," seryoso niyang aniya.

"Mukhang hinuhubaran ka na nga sa titig nung dalawa kanina. Sanay ka naman siguro diyan, 'no?"

Tumango siya matapos isubo nang kalmado ang sinandok na noodles gamit ang tinidor. I suddenly remember when we eat our breakfast doon sa hotel dahil kinuhaan niya ako noon ng carbonara. I didn't adressed that to him pero alam ko na agad ang dahilan niya kung bakit binigyan niya rin ako ng carbonara.

Nagsimula na rin ako kumain lalo na't nangangalam na ang sikmura ko sa gutom dahil naaamoy ko ang fried chicken.

Pero habang ngumunguya ako, bigla siyang nagsalita.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now