Nang tingnan ko ang paligid sa labas ay napansin kong gabi na and after I checked the time on my phone ay gusto kong matawa dahil apat na oras akong nakatulog. It's almost 9 PM! I sighed before leaning toward the window to check kung nasa labas lang si Conrad, at hindi nga ako nagkamali.
He was standing there, staring at his phone while exhaling a cloud of smoke.
I took a deep breath.
He was vaping.
And I couldn't accept the fact that he looked... hot.
Napahinga ako nang malalim bago pinihit ang door handle para makalanghap ng sariwang hangin. Pero bago pa ako tuluyang makalabas, lumingon na siya sa direksyon ko. Agad ko ring napansin kung paano niya itinago sa kaliwang bulsa ang itim na device na hinihipak niya kanina.
"Nakita na kita noon pa na gumagamit niyan. You don't need to hide it from me," I said using my husky voice. Nakalimutan kong uminom ng tubig.
Umangat ang parehong kilay niya sa akin. "Sorry. Pang-tanggal stress ko lang, but not all the time I use this. Baka makasama rin kasi sa akin kapag na-sobrahan ako."
"Stress ka ba ngayon?"
He immediately shook his head. "N-no... no." Saglit siyang natigilan, bago ngumisi na tila may naalala bigla. "Natatawa nga ako sa 'yo kanina kasi you were drooling when I checked you."
Agad nanlaki ang mata ko.
"What?" Mabilis akong lumapit sa side mirror ng sasakyan para manalamin. Kumunot ang noo ko nang makitang wala namang bakas ng laway sa paligid ng bibig ko.
"Wala naman! Pinagti-trip-an mo lang ata ako, eh!" I exclaimed, turning to him with a glare.
"No, Nate. I'm serious." Nakangiti siyang umiiling habang pinipigilan ang tawa. "Pinunasan ko na ng wet wipes kanina kasi baka matuyo pa. Buti hindi ka nagising, baka masuntok mo pa ako."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Nakakatawa?"
"No," he said, lips slightly parted as if debating whether to say the next words. "I'm laughing because I find it cute. Wala ka bang maayos na tulog kanina?"
Umiling ang ulo ko bilang sagot at napalingon sa mga pasaherong bumababa mula sa airconditioned bus na nag-stop over katulad namin.
"Akala ko ba hindi ka excited?"
Kumunot ang noo ko. "Hindi nga. Ang kulit."
He chuckled. "Tara na. Hinihintay lang kitang magising para makakain na tayo. Nagugutom na rin ako. What do you want to eat?" he asked as he reached for the papaer bag in the back seat.
"'Iyan na dala mong carbonara pero mag-order tayo ng inumin or kung ano para makagamit tayo ng table sa loob."
"Noted, boss."
Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat upang kunin ang tumbler ko pero hindi ko pa nakukuha ito ay masama ko ulit siyang tiningnan.
"Boss?" mapait na mukhang tanong ko. "Kahit anong tinatawag mo sa 'kin. 'Nate' na lang. Nakakawala ka ng ganang tingnan, Conrad."
Narinig kong tumawa siya sa gilid ko habang dino-double checked ko ang mga pusa ko at umirap na lamang ako dahil nawawalan ako bait sa kanya. He was holding the paper bag habang hawak ko rin ang itim niyang tumbler dahil baka uminom din siya.
Pagkapasok namin sa loob ng parang simpleng restaurant sa gilid ng daan ay huminga ako nang maayos dahil medyo dumadami na ang tao. It was already too late to be called a dinner, pero posibleng hapon pa sila kanina bumyahe kaya ganitong oras na sila kakain.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 19
Start from the beginning
