"Conrad, 'nak. Ikaw na lang bahala kay Nate, ah? Nakapag-usap na rin naman tayo nung nakaraan pa at hindi ko na uulitin 'yung mga sinabi ko." Ngumingiting inakbayan ni Papa si Conad matapos kong ilagay sa likod ang dalawa kong pusa.

"Parang baliw si Papa," bulong ko kay Mama at mahina itong tumawa. "Sige po, Ma. Wala na rin po akong nakalimutan. Mi-nessage ko na in po si Tita-Nang na paalis na kami. Mag-iingat po kayo ni Papa, ah? Mabilis lang 'to. Promise."

Marahan siyang tumango habang nakalapat ang parehong labi at dahil mas matangkad ako sa kanya ay mabilis ko siyang niyakap sa ikalawang pagkakataon. Sunod ko rin na niyakap si Papa ng humarap ako sa kanya at ngumiti ako nang binuksan niya ang pintuan ng passenger seat.

"Salamat, Pa. Sige po, dito muna kami."

This may be the feeling when you are really close to your parents. Kahit naman na alam mong babalik ka ay parang ayaw mo umalis, o pumunta sa lugar na malayo sa kanila. Although, it's not that I'm staying there permanently pero nasanay kasi akong nakikita sila lagi.

Pagkatapos kong kumaway kina Mama ay bumaling ako sa lalaking sinimulan nang magmaneho and he is now driving pauntang main road. Hindi na ako dumaan sa bahay nila dahil wala naman doon sina Tita-Nang at Tito Luke.

"Ayaw mo dumaan sa Cucina?" he asked suddenly.

"Ikaw?" I asked him.

Ngumisi siya ng maliit at parang pinasukan ng hangin an dibdib ko nang tumingin siya sa akin.

"Parang ayaw mo naman. Hindi na siguro. Baka tumagal pa tayo doon," nakangiting tugon niya na dahilan ng pagtahimik ko.

I didn't say anything after that dahil tama naman siya. Ayaw ko ng dumaan sa Cucina. Huminga na lang ako ng maayos habang umiiwas ng tingin upang kumalma kahit papaano ang pakiramdam ko.

But the thing that I focused on doing is to forced myself on not to think about how he looked today because, damn, it was distracting.

All he was doing was driving, yet he still looked like he had walked straight out of a magazine. He is wearing a sky-blue sweatshirt that is easy on the eyes, it paired with denim pants that make him look effortlessly put together.

Kung ganitong klase ng tao ang makakakasalubong mo sa labas ay siguradong mapapaisip ka kung artista ba siya o turista na galing ibang bansa.

Sa halos isang oras na byahe namin papunta sa apartment ko ay hindi ako kumuha ng pagkakataon na makipag-usap sa kanya and it feels a little wrong to me. Parang may mali na kahit tanungin siya kung kumusta ba siya ay hindi ko magawa.

But twelve hours are waiting for me. Good luck na lang sa akin.

"Do you want to play some music? Connect ka ulit diyang kung gusto mo," aniya dahilan para mahinto ako sa pag-browse sa Facebook. I saw him glanced at my phone, "Ahh, nafe-Facebook ka pala. Sige ako na lang," he added.

"Are we friends in Facebook?" wala sa sarili kong tanong.

"N-no... You blocked me 6 years ago."

"Ohh, oo nga pala. Same pa rin 'yung account mo?"

He nodded.

"Why?" he smirked.

"Para connected na tayo sa Messenger. Sinabi ko naman sa 'yo kagabi."

Nakita kung umawang ang labi niya at kalmadong naka-steady ang manibela dahil nasa mainroad na kami papuntang Camarines Sur. Nakuha na namin ang mga gamit ko sa apartment at lagi ko rin binabantayan ang dalawa kong pusa likod dahil baka kailangan nilang umihi.

"Just give me your number. Huwag na sa Messenger kasi hindi rin naman ako active doon same with Facebook at baka matabunan ka pa doon ng mga messages."

Pinanood ko siyang binuksan ang isang compartment sa tabi ng stereo at hinugot niya rito cellphone niya, ngunit agad naman akong nahinto nang iabot niya ito sa akin.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now