"I'm not planning anything," he muttered, more to himself than to me.
I glanced back at him.
"If... you are planning something," I repeated, my voice even.
His lips pressed together, but I didn't wait for his response.
"See you bukas," I said, giving him a small, knowing smile before walking away.
Our interaction was really short pero sa ikli no'n ay tila nawala ang antok ko. His bare face marked on my mind like I had a free pass to stare at it freely. Kahit dini-distract ko na ang sarili ko sa panonood sa mga Instagram reels ay ang lumungkot na mukha niya pa rin ang nakatatak sa ulo ko.
I wasn't harsh earlier, right? Sinabi ko lang ang dapat niyang marinig. Hindi naman talaga ako excited at posibleng siya ang excited sa aming dalawa dahil may gusto siyang patunayan sa akin.
Araw-araw na niyang ginagawa sa akin na dapat ko na siyang patawarin sa nagawa niya sa akin but it wasn't that easy. Kahit ako ay akala ko madali lang siya mapatawad pero habang iniisip ko ang lahat ng napagdaanan ko noon, ang hirap.
"Nag-message ka na ba sa Tita-Nang mo na mamayang alas kwatro ay aalis na kayo? Hinihintay ka raw niya na mag-update sa kanya."
Mabilis akong tumango habang inaayos ang damit ko sa harap ng malaki naming salamin. Kakatapos ko lang maligo pero sa mga iniisip ko simula kagabi pa ay ang dahilan para mamuo ang mga pawis sa leeg ko.
"Ang init talaga ng panahon ngayon, kahit ber months naman. Pumasok ka muna sa loob ng kwarto mo tapos buksan mo ang aircon doon," saad niya.
Napansin niya yata na init na init ako dahil sa pagpunas ko ng pawis sa leeg ko.
"Sige lang po, Ma. Dito na lang ako sa tapat ng electricfan," ngiting sagot ko at lumapit sa itim naming standfan. Sa tabi nito ay ang naka-on na T.V.
"Huwag mong kalimutan na uminom ng tubig. Kayong dalawa ni Conrad. Mas mainit ata sa Maynila ngayon kumpara dito sa probinsya. 'Huwag mo rin kalimutan na kapag basa na ng pawis ang damit mo, magpalit ka agad, Nathaniel." Lumapit siya sa akin para ayusin ang kwelyong nasa likod polo-shirt ko. "Pawisin ka pa naman."
"Ma, naman. Wala pa pero nami-miss na kita," pabiro kong tugon at mahina niyang hinampas ang malaman kong braso.
"Tumawag ka at babalik ka naman dito. Pwera na lang kung magbago ang isip mo na doon na lang manirahan para maging bagong head chef ng ginagawang Cucina," aniya na may halong ngiti sa labi.
Ngumuso ako bago tumawa. "Hindi, Ma. Wala pa sa isip kong lumayo sa inyo. Kung si Kuya ay nakakayanang hindi umuwi kahit isang beses sa isang buwan ay ako po, hindi ko kaya."
"Alam ko, anak. Payakap nga," malambing na sagot niya.
Mabilis ko rin siyang niyakap at mas lalong ngumiti ang puso ko ng maisip na nag-halfday siya ngayon sa clinic niya dahil gusto niya akong makita bago kami umalis ni Conrad.
Si Papa naman ay pauwi na dahil may pinabili akong mga pasalubong para kay Tita Jade. Binuksan ko ang cellphone ko para i-check ang oras at quarter to 4 na, hinihintay ko rin na merong bumusina sa tapat ng bahay namin at hanggang sa makarating si Papa ay wala akong narinig.
Pinasok ko na rin sa loob sina Lily at Lime sa sarili nilang travel bag at habang binabantayan sila ay nakikipag-kulitan din muna ako kay Papa. Katulad ni Mama ay hindi niya rin kinalimutan ang paalalahanan ako ng mga dapat kong tandaan.
Malayo naman kasi ang pupuntahan ko at bago 'to sa akin dahil sa laking probinsya ako. Kumpara kay Conrad na natuto ng manirahan sa ganoong lugar. Natapos lang ang pag-uusap namin ng makita ni Mama ang sasakyan ni Conrad ng tumingin ito sa bintana.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Ficção Adolescentethis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 19
Começar do início
