Dalawang maleta ang binili ko because I change shirts too much in a day lalo na kapag mainit ang panahon. Pinantay ko ang dala kong damit na pang-labas at pambahay. Hindi ko rin nakalimutan ang pantulog.

Hindi naman ako nag-aalala dahil malaking city naman 'yon compared dito. Doon, marami akong pwedeng bilhan ng mga damitt malamang, pagbalik ko, mas marami pa akong iuuwi kaysa sa dadalhin ko ngayon.

Nagpatulong ako kay Mama mag-impake dahil bukas na ang alis namin ni Conrad. Kahapon, nagkaroon kami ng brief meeting sa restaurant na siya mismo ang nagpa-set up dahil gusto niyang makausap ang lahat ng empleyado niya.

Since wala siya at walang makakapag-monitor ng resto, si Chef Oli muna ang papalit sa kanya. Si Chef Iris at Chef Theo naman ang magiging pansamantalang Sous chef and I swear, Theo's wide smile after hearing that announcement was hilarious.

Alam kong gusto niyang maging sous chef, but he and Chef Iris always worked together, so at least, may nagbabantay sa kanya.

I also talked to Chef Iris abpu it. Sinabi ko rin na hindi ako makapapasok na ngayon dahil sa mag-aayos ako ng gamit na dadalhin ko para bukas.

Nang matapos na kami ni Mama sa pag-iimpake, sinunod ko naman ang gamit ng dalawang kong pusa. I prepared their individual travel bags since doon ko sila ilalagay habang nasa biyahe. Buti na lang, pang-travel din ang nabili kong cage at litter box, kaya pwede ko silang dalhin.

Ngumingiti ang puso ko kapag iniisip na ito ang kauna-unahang beses nilang pupunta sa Maynila. Usually, kapag may trabaho akong malayo ay iniiwan ko sila kay Mama. Pero dahil matagal akong maninirahan doon ay hindi ko kayang hindi sila makita.

Although, I'm a bit worried because Conrad has cat allergies. Pero nag-research rin ako sa mga pwedeng gawin para maiwasan niya ang pagbahing at pangangati. I still need to figure that out.

"Anong gusto mong lutuin ko ngayong tanghalian? Gusto mo ng sinang na bangus sa gata?" tanong ni Mama habang inaayos ang kusina.

Napatingin ako sa kanya at napangiti. "Oo, Ma! Bigla akong naghanap ng gata, ah!"

"Kahapon kasi nag-bangus steak na ako sa hapunan namin. Request ng Papa mo. Sige, daan tayo sa palengke mamaya para makabili ng niyog at gulay na ilalagay ko."

Nasa biyahe kami ngayon pauwi dahil gusto nilang makasama ako bago ako umalis. Nung isang araw pa ako nagpaalam sa landlady na pansamantala akong hindi uuwi sa apartment. I also said that she doesn't need to worry about the rent dahil tuloy-tuloy pa rin ang bayad ko.

My cats are with me right now, and I still can't process that I am leaving with Conrad tomorrow. Matagal ko nang iniisip 'to kahit nung umalis sina Zahra at Dash, ito pa rin ang bumabagabag sa akin.

Ito ang unang beses na makakasama ko siya nang matagal at sa iisang lugar pa.

Talagang pinaparusahan ako.

Naging mabait naman ako nitong mga nakaraang araw, ah.

"Tapos na kayo mag-impake, anak?" salubong na tanong sa akin ni Papa pagkatapos kong magmano sa kanya.

Nakarating na kami sa bahay ni Mama at ramdam ko ang sakit ng braso ko dahil sa hawak ko ang parehong bag ng dalawa kong pusa.

"Opo, Pa. Salamat kay Mama, may mga binawas siya na baka raw ay hindi ko naman kailanganin. Dito muna si Caly, Pa, ah? Ingatan niyo 'yan, pwede po kayo mag-joyride ni Mama kung gusto niyo," ngiting saad ko.

Tumawa si Papa, "May tricycle naman ako, 'nak."

"Baka lang naman gusto niyong pagpahingahin 'yang alaga niyong tricycle."

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon