I watched him laugh with his jokes. I clutched the paper tighter and ready to stand just to break the moment, but Conrad beat me to it. Mabilis siyang umalis sa kinuupuan ngunit nakasunod pa rin ang tingin niya sa akin.
He smirked.
"Kung malapit lang ako," he muttered, voice low but playful, "napisil ko na 'yang mga pisngi mo. Tigas mo, boss."
And just like that, he walked away, leaving me frozen like he hadn't just turned my brain into complete mush. Huminga ako ng malalim nang marinig ko pa kung paano sumara ang pinto ng opisina kung saaan siya lumabas.
I still can't believe how that conversation went. I know Conrad can be a little pushy sometimes lalo na kapag may gusto siya, but we've been friends long enough for me to get used to it.
Pero kahapon, the way he acted in front of his mom while discussing our task caught me off guard. I thought he'd prefer to handle things alone. Tapos ngayon, he's suddenly waiting for my decision about whether I'm ready to leave next week for the new restaurant project.
The truth is, I'm not ready. I mean, I could pack my things and prepare, sure, but myself? Hindi pa. I don't know if I can handle being around him again, not like this. Hindi ko alam kung kaya ko na ba ang makasama siya.
Habang nasa buong shift ako sa pwesto ko ay nakikita kong nakikipag-usap si Conrad kay Chef Iris at Chef Theo. Nakita ko rin na mayroon itong hawak na isang folder na naglalaman siguro ng documents na inaasikaso niya ngayon.
I am keeping my attention away from him kahit mula rito sa kitchen table ko ay naririnig ko ang boses niyang tumatawa. I tried not to look. I kept my hands busy, hoping my mind would follow. I am with Chef Riley and Chef Eileen dahil pine-plating namin ang order ng mga guest
Nauna akong mag-out kay Conrad dahil kinausap niya pa si Chef Oli tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman dito sa kusina. I'm not sure if he noticed that I already left pero sana hindi dahil sigurado akong aabot na naman kami sa pamimilit niyang sumabay ako sa kanya.
Kaninang umaga pa ipinaalam sa akin ni Papa na maayos na raw si Caly. Kaya tinanong niya naman kaagad ako kung sa resto niya na lang ba idadala pero matapos ang pag-uusap namin ni Conrad ay pinigilan ko na siyang pumunta rito dahil ako na lang ang kukuha sa motor ko.
Umuwi muna ako sa apartment upang bigyan ng pagkain sina Lily at Lime dahil iiwan ko na naman ulit sila ngayon, pero hindi ako magtatagal. Kakausapin ko lang din si Tita-Nang at baka doon ako kumain ng hapunan sa bahay.
I'd rather take an E-Jeep than sit beside him in his car again. Sanay naman ako mag-commute. He drove me home last night, and I wasn't about to go through that all over again.
This wasn't avoidance, I called it practicality. At least, that's what I told myself. I was just getting used to seeing him every day.
"Thank you, Pa! Ano daw po nangyari?"
Ngumiti siya sa akin bago ilipat ang tingin sa motor kong kumikintab ngayon sa linis. Dumaan pa sa car wash! Talagang gusto bumawi sa akin!
"May nakatusok na makapal na alambre, 'nak. Maliit lang naman siya kaya pinatapalan ko na lang ng goma pa, buti nga may extra ako dito."
"'Yun ba 'yung dinidikit tapos pinapaapuyan para mas lalong dumikit?"
Mabilis siyang tumango sa akin at malapad din akong ngumiti dahil sa pinansin ko rin ang pagpapa-car wash niya sa Caly ko. Ako lang ang naglilinis sa motor ko madalas at dahil minsan ay wala na rin akong oras ay natatagalan siya bago linisan.
Iniwan muna namin ni Papa ang motor ko sa labas at papauwi pa lang din daw si Mama galing sa clinic niya. Wala na rin akong nakikitang anino ni Kuya kaya mas lalong gumanda pa ang pakiramdam ko.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 18
Start from the beginning
