I looked at Zahra and she is wearing a black and a silver glitter fitted skirt at isang puting crop-top ang pangitaas na makikita mo ang pusod na malinis. Perfect ang nakshit ko! Walang daot!

Dash is wearing a Hawaiian plain grey polo matched with semi-white denim below-the-knee shorts at ng samahan pa ito ng rubber shoes na puti with a small bag hanging on his body.

Damn! Sobrang lalaki! Sobrang straight! Sobrang sarap!

I am also wearing my going-out outfit, a plain dark green shirt paired with black wide denim pants. At pinaresan ko ito ng manipis lang na longsleeve para mas maganda tingnan, may eksena ba at hindi rin ako papayag na kakabugin ako ng dalawang 'to, no!

Pumasok kami sa loob na malapad na ang ngiti naming tatlo kasi matagal na rin ang nakalipas simula ng pumasok ako sa gan'tong lugar. Maingay, maraming tao, mailaw at may kabahuan na lugar. Sana man lang may nagtawas!

"Ang daming tao! Nakakatuwa!" sigaw ni Zahra at wala pa kaming nao-order sa waiter ay sumayaw sayaw na ang bruha sa gitna.

Talagang baliw!

"Gaga! Bumalik ka muna! Anong gusto mong inumin!" sigaw ni Dash sa kanya at bumalik naman ito sa table na napili namin habang tumatawa.

We choose the luxury couch that good for four people. Kabog! Isang tao lang ang gusto nilang matikman!

Anyways, I'm not into hook up or kahit kiss sa tabi-tabi. Ilag tayo diyan, makakasama lang 'yan sa panglasa ko. Mahirap na. Pero landian pwede.

Pagkatapos namin mag-order na iinumiun at pulutan namin ay nagsimula akong ilibot ang tingin ko sa loob. And the huge space was still the same at bago na rin ang design ng mga upuan, may class at elegante na hindi katulad nung huli kong punta rito.

The sounds from the DJ in up front are also vibing with the crowd kaya hindi nawawalan ng taong sumasayaw sa unahan. Sinabi ko rin sa sarili ko na mamaya ay ako naman ang eeksena diyan.

"Punyeta naman, oh! Ako 'tong halos ipakita na ang hinaharap ko, mapansin lang pero ikaw 'tong tinititigan ng mga lalaki sa dulong table!" sigaw ni Zahra sa akin nang tunggain ko ang unang buhos ko ng gin tower sa baso ko.

Kumunot ang noo ko sa kanya bago tumawa, "Huh? Bakit?"

She stared at me before lifting her eyes at my back. Sinunod ko naman ang tingin niya at nakita ko ang apat na lalaki na nakatingin sa pwesto ko.

"Hindi naman lahat, 'yung isa lang. Sobrang OA ng ate kong trans, ah?" Dash teased her but my eyes still on the boys that a little far from us.

Mahigpit kong hinawakan ang basong nasa kaliwang palad ko ng makilala ko agad ang isang lalaki na hindi inaalis ang tingin sa akin.

Bakit nandito siya?!

"Ganiyan sana gusto kong boyfriend! Ang gwapo naman niyan putangina!" Zahra exclaimed and because of that I immediately looked at her.

"Bakit?" Dash chimed in. Napatingin din ako sa kanya at sa tanong niya ako biglang nagising.

I smiled while calming the air inside my lungs. Kailangan ko huminga.

"Nothing. I just maybe saw someone... or so-something," nauutal kong sagot.

Bumalik ang tingin ni Dash sa likod ko at mabilis naman itong inalis agad. "Wala naman do'n si Randy. Bading ha, porket bar 'to baka hanapin mo siya rito!"

Humalakhak ako at tinampal ang matigas niyang braso. Sumayaw sayaw pa rin si Zahra dahil may nakakuha na naman ng atensyon niya sa kabilang table. Ang landi talaga!

Maayos akong umupo sa inuupuan ko at huminga ng malalim dahil baka nagkamali lang ako. I want to make sure that it was Conrad. Sana namalikmata lang ako dahil sa dinami dami ng lalaking nakalandian ko ay bakit siya pa!?

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon