"Sige, try ko. Mahal na mahal ko din 'yun si Lola Pinang, isang taon na rin pala simula nung nawala siya."
"Truly! Pero para siguradong matutuwa ako sa 'yo, Eruption tayo this Saturday! Day off mo tuwing Sunday kaya hindi mo kami matatakasan, Nathalie Batumbakal!" singhal ni Dash sa 'kin dahilan para humagikgik ako.
Hindi pa rin nagbabago ang gaga. Sobrang tabas pa rin ng dila! Sobrang pamintang durog naman!
"G! Basta libre mo! Mas mapera ka sa 'kin, Dasheleya!"
"I miss you so much, Nate!" Zahra joined the conversation with her pouting lips.
"Miss ko rin kayong dalawa! Sobra! Hinahanap na kayo ng sistema ko! Huli niyo pa kasing uwi nung December pa at posibleng ilang araw lang kayo dito sa probinsya," I stated and my lips are wide because of excitement and happiness. "What if matulog na kayo sa apartment ko ngayong Sabado pagkatapos uminom?"
Sa naging tanong ko ay dapat pala hindi ko na lang itinuloy dahil plano na pala nila ito una pa lang. I should expect it dahil gusto rin nila maranasan ang bago kong tahanan since kakalipat ko lang rito simula nung magtrabaho ako sa Cucina.
Mahaba pa ang naging usapan namin compare from the other guests at hindi ko na rin namalayan na ala una na pala ng tanghali. Hinatid ko ang dalawa sa sasakyan ni Dash at pakiramdam ko ay hindi na ulit kami mapaghiwalay.
The Friday came at gusto ko na agad sumapit ang umaga dahil makakasama ko na ulit ang dalawa. Conrad didn't came to visit his restaurant because of his comprehensive exam. Hindi ko rin naman siya hinahanap kaya mas mabuting hindi ko siya nakikita.
Kinargo ko muna ang iba niyang trabaho katulad ng inventory at checking ng stocks pero nagpatulong din ako sa ibang chef dahil nauubusan na rin kami ng mga gagamitin sa loob.
"Napakain mo na sila?" Zahra asked me while brushing Lily's fur from his lap. Ayun naging kikay na naman ang mga pusa ko.
"Tapos na. Hinahanap din kayo ng dalawang 'yan, kaya sulitin niyo ng naririto kayo," saad ko.
Dash chuckled, "Pinaplano kong umalis tayo bukas. Kinagibihan, what if mag-dagat tayo?"
Mabilis na kumunot ang noo ko sa kanya. "Seryoso ka, bakla? Hindi pa nga natatapos 'tong unang ganap natin tapos may plano ka kaagad? Sinusulit mo talaga, ah!"
"Of course! Baka bigla akong tawagan, malutong na mura talaga ang matatanggap niyo sa 'kin!"
Zahra and I laughed so hard because from all the three of us, siya ang pinakatamad gumala. Lalo na nung college kami! Si Zahra ang laging nag-aaya at dahil medyo sumosobra rin ang budget ko, ako ang in-charge minsan sa gastos.
Pero dahil minsan din ay tamad lumabas ng bahay si Dash, ang ending nalalanta kaming tatlo sa bahay niya. Si Zahra na todo outfit pa, walang nagiging eksena dahil nasa loob lang kami.
I can feel na bumabawi siya sa amin at alam kong dahil din sa trabaho niya ay unti-unti siyang nagbago. At nakakatuwang isipin iyon.
Umalis kami ng apartment ko ng 9 p.m. at dahil sa may kotse si Dash ay hindi na problema ang papunta doon. Hindi siya malapit sa tinutuluyan ko at malayo na rin siya sa Cucina kaya ramdam kong malaya na naman ang baklang damulag.
Nagpaalam na ako kina Mama at Papa kahapon pa lang, as usual dahil kasama ko itong dalawa ay pumayag din sila. Kahit umagahin daw ako basta huwag akong uuwi ng lasing sa apartment.
And that's a challenge. Kaloka!
Nakarating na kami ng Eruption na lahat ay nakakaramdam ng kasabikan. After how many months, we are already complete! The three muskateers are here!
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 15
Start from the beginning
