"Ang OA naman! Nagpalit lang ng airlines pero hindi mayaman! Pinapa-renovate ko 'yung bahay namin sa Fatima. Nag-request na kasi si Mudars, lagi ba naman binabagyo dito sa lugar natin," singhal niya sa akin at mas lalong lumapad ang ngiti ko.

Dash is a flight attendant ng PA and Zahra is a secretary sa isang firm sa Quezon City. We are classmates from college, lahat parehong degree ang tinapos pero magkakaibang trabaho ang tinatahak ngayon. Naging malayo lang kami sa isa't isa pagkatapos ng graduation, but the ironic thing is, we still remains friend.

Close enough.

Mamaya na raw lalabas sina Riley para kumustahin ang dalawang bruha dahil hinahanap din nila ito sa akin.

"Buti walang nangyayari sa dalawang pussy mo sa apartment mo, bading. Kung ako may-ari sa kanila, dadalhin ko 'yan sa trabaho," panakot sa akin ni Zahra.

"Manahimik ka, nung nawala sa akin si Randy naging ulirang ina na ako kina Lily. Tsaka girl, nasa food establishment ako at kahit close kami ng owner nito ay gusto ko pa rin sumunod sa rules."

"Ah, si Tita-Nang?" si Dash.

Umangat ang kilay ko dahil nahinto ako ng maisip na hindi na pala si Tita-Nang ang may-ari nito. But I smiled and nod to make everything goes normally.

They don't know about Conrad.

"Dumaan lang kami rito kasi hindi namin alam 'yung apartment mo, at ang gaga naman na 'to, kinalimutan hingiin kay Mother mo 'yung address." Zahra rolled her eyes to Dash at mas lalo akong humalakhak dahil bobeta pa rin siya, "Magpapaayos din ako ng ngipin para pagbalik ko sa work, perfect siya."

Tumawa ako at muntik ko na siyang hampasin ng flower vase sa table nila.

I missed them!

"You still taking your hormones? Lumalaki na jogabells mo, nakshit, ah!" I joked and she slapped my arms.

"Natural! Para makatulong sa 'kin kapag may budget na ako pampa-bogelya, ambagan niyo naman kaya ako!?"

Malakas kaming humalakhak ni Dash sa sinabi niya at ilang minuto naman ay dumating na rin ang order nilang dalawa. Dinala ito ni Riley at Eileen sa kanila dahilan para mas naging maingay pa ang pwesto namin but we need to cut it because we are in the fine dining restaurant.

Zahra started her transitioning journey when we are in third year college. Nahihinto lang minsan dahil sa daming ginagawa noon at pinagkakasya niya rin ang budget niya.

She was the breadwinner now in her family unlike Dash na medyo may kaya sa buhay. But we are not comparing ourselves to each other, at nagtutulungan kami noon hanggang ngayon dahilan kung bakit mas lalo kaming naging close pa.

Tita-Nang offered a job to both of them but they chose to follow the path that they wanted. Gusto kasi ni Zahra ng bagong environment, bagong lugar at pangarap na din noon pa man ni Dash na maging parte ng eroplano, and that's the reason for them to declined it.

Hindi ko sila pwede pigilan sa gusto nila dahil hindi rin naman nila iyon ginawa sa akin. Kailangan lang namin maging matatag dahil ito 'yung buhay na naka-align para sa amin.

I am still grateful to have them until this day at itong pagkakaibigan ang dapat kong ingatan.

"Punta ka sa Monday, kung may oras ka. First death anniversary ng Lola ko," saad ni Dash at napatingin kaming dalawa sa kanya.

"Kaya umuwi ka?" ani Zahra.

Dash nodded while starting his first meal course. Si Zahra naman ay kakatapos lang mag-picture at napangiti ako dahil maganda ang brand ng cellphone niya. Inaya pa nga ako kumain ng dalawa kaya mas lalo akong humalakhak.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now