I have right to get upset, at parang gusto niya pa sabihin sa bata na mas maiging magkaayos na kami dahil lang sa mas maganda ang maging magkaibigan ulit. Tinitiis ko na nga lang ang maging empleyado niya dahil kay Tita-Nang at sa passion ko ang pagluluto.

Kung hindi ko naman gusto ang ginagawa ko ngayon ay matagal na akong umalis at naghanap ng trabaho na malayo sa kanya. But I set aside our past, isinantabi ko muna ang nangyari sa amin noon dahil pangarap ko rin naman ang nakasalalay dito.

And I love what I am doing right now.

Hindi ko ito pwedeng bitawan at hindi ko ito basta-bastang iiwan.

Nagpasalamat ako sa kanya sa pagsabay niya akin sa sasakyan at wala na rin akong kinuhang oras para magsisi pa. Ibibigay na lang ng photographer namin ang mga naging pictures kanina because Tita-Nang wants a documentation regarding sa celebration.

May mga pictures at videos din akong kinuha at baka ipo-post iyon ng isa sa mga may hawak ng social media ng Cucina Eterna.

Conrad still offered na ihatid nila kami nina Lily sa apartment but I refused. Ang rason ko na lang ay dahil sa motor ko at gusto ko munang makahinga ng maayos na hindi siya nakikita.

Pagkarating ko sa apartment ay hinanap kaagad ng katawan ko ang kama pero bago ako humiga ay pinakain ko muna ang dalawa. I also took a halfbath para presko sa pakiramdam. Nang matapos ko na gawin ang mga bagay bago humilata ay sunod ko ng ginawa ang ang magpahinga.

I was happy and excited through out the day sa dahilang nakasama ko ulit ang mga makukulit na batang dahilan din kung bakit ako nagpapatuloy. But too much happiness can lead into an unexpected argument.

Sa sagutan namin kanina ni Conrad, I just realize that we looked like we had a relationship before, but we had! Counted naman 'yung pagiging best friend namin noon, 'di ba? It also reads as relationship.

Hindi man romantically, well not for me, pero may past pa rin kami na dahilan upang pwede akong magalit. Kasi medyo nakakainis lang isipin na parang pakiramdam ko ay gusto niya akong matamaan ng konsensya dahil lang sa mga sinasabi ni Clyde.

Gusto ko man magkaayos kami pero baka abutin pa ng siglo bago ko ibigay 'yon. Sana hindi naman.

Kinabukasan ay inisip kong lungkot na agad ang sasalubong sa akin dahil sa nangyari kagabi but when I opened my phone to read some messages. The two of the most important person to me, ay tinawagan ako dahil pareho raw silang nasa Bicol ngayon.

"Putangina!" sigaw ni Zahra ng makita akong lumabas galing sa kusina.

Halos tumakbo siya kasama si Dash papunta sa direksyon ko at dahil sa matagal din kaming hindi nagkita, nawalan na ako ng pake sa mga guest ko at sinalubong ko na sila ng yakap na mahigpit.

"Huwag kayo maingay, hayop kayo! May mga guest ako, oh!" turo ko sa mga tao sa likod dahil pinagtitinginan kami.

Huminga ako ng maayos upang kalmahin ang sarili ko. Napansin ko rin ang dalawang waiters na mag-a-assist sa kanila na nagpipigil ng tawa habang pinapanood kaming bumalik sa table nila.

"Order muna kayo, mamaya na ang chika!"

Zahra rolled her eyes. "Tapos na! Sumakto lang na laumabas ka." She looked at Mika, the waitress, "Thank you, 'yun lang order namin, Miss. Sorry, hiram ko muna Sous chef niyo. Pasabi sa loob."

Humagikgik ng tawa si Dash at diretso akong tiningnan.

"Kailan ka pa na-hire as Sous chef?" he asked. Nakaalis na rin ang dalawang waiter at bumaling na ako sa kanila.

"Mag-aapat na buwan na ako sa position ko. Thank you," tumatango kong sagot bilang pang-aasar. "Ikaw? Mas mayaman ka sa 'kin, Philippine Airlines ka na!" biro ko.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now